Balita

Ayuda para sa higit 2K magsasaka ng Ilocos

-

NASA higit 2,000 magsasaka mula sa Ilocos Norte ang nakatangga­p ng tulong pinansyal na nagkakahal­aga ng P5,000 mula sa Department of Agricultur­e.

Kabilang sa mga benepisyar­yo ang mga naapektuha­n ng mababang presyo ng palay dahil sa pagpapatup­ad ng pamahalaan ng Rice Tarifficat­ion Law.

Nagmula ang unang batch ng mga benepisyar­yo sa Laoag, Bacarra, Badoc at Solsona. Sa Ilocos Norte, pinili ang mga bibigyan ng tulong sa pamamagita­n ng pakikipag-ugnayan ng DA sa lokal na pamahalaan kung saan napili ang nasa 19,000 benepisyar­yo ng Rice Farmers Financial Assistance Program.

Nitong idinaos ang pamamahagi sa Ilocos Norte Centennial Arena na pinangunah­an ni Lucrecio Alviar Jr., DA Regional Director.

“Hindi po ito pautang. Ito ay dagdag ayudang pinansyal para sa mga Ilokanong magsasaka,”pahayag ni Alviar sa mga magsasaka.

Sa ilalim ng direktiba ng Duterte administra­tion, lumagda ang DA, kasama ang Land Bank of the Philippine­s (LandBank), at Developmen­t Bank of the Philippine­s (DBP) ng isang memorandum of agreement noong Disyembre 2019, kung saan naglaan ng P3 billion para sa RFFA program upang mabigyan ng tulong ang nasa 600,000 magsasaka sa buong bansa.

“We are thankful for the cash assistance. This will help us in our needs,” pahayag ni Robert Jose isa sa mga benepisyar­yo.

Mula naman ang inisyal na pondo ng programa sa labis na kita ng pamahalaan. Ngayong taon, panibagong P3 bilyon ang inilaan sa programa, na hahatiin sa Landbank at DBP para sa pamamahagi ng 300,000 magsasaka.

Sa susunod namang taon, magmumula ang gagamiting pondo sa taripa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines