Balita

Humupa ang takot sa ME, ngunit tuloy ang plano sa OFWs

-

MATAPOS ang pagsiklab ng takot sa mundo hinggil sa bagong digmaan sa pagitan ng United States at Iran, makaraan ang naging pagpaslang ng US drone sa Iran top general Qasem Soleimani, unti-unti nang humupa ang takot sa gitna ng bagong mga kaganapan.

Sa naging pamamaslan­g, ipinakita ni US President Trump ang kakayahan ng Amerika na pulbusin ang mga kaaway nito saan man bahagi ng mundo. Hindi naman sumuko ang Iran sa pag-atake at gumanti ng pasabugan ang isang US base sa Iraq. Walang namatay sa naging pag-atake, at kalaunan inihayag ni President Trump na hindi na magsasagaw­a pa ang Amerika ng sunod na aksiyon.

Dumating naman ang biglaang pagbagsak ng isang Ukrainian passenger plane na naghahanda sanang lumapag sa Teheran. Makalipas ang ilang araw sa pag-iisip ng mundo kung sino ang nasa liko nito, inamin ng pamahalaan ng Iran ang responsibi­lidad sa insidente. Isa umano itong “di sinasadya” ng militar na pagpapabag­sak ng eroplano, isang “unforgivea­ble mistake.”

Tinanggap ng mundo ang kahandaan ng Iran na aminin ang pagkakamal­i nito. Tila wala na rin itong balak na magsagawa pa ng anumang digmaan kontra sa Amerika. Ang naging pagkamatay ng maraming silbilyan pasahero, karamihan ay mga Canadian, na wala namang kinalaman sa sigalot, ang maaaring nagtulak sa mga lider ng Iran na ang kanilang militar ay wala sa posisyon para lumaban sa isang digmaan sa Amerika. At mas mainam na rin na ipaubaya na lamang ang bagay na ito sa imbestigas­yon sa hinaharap.

Umaasa ang mundo sa mga pagbabagon­g ito. Matapos ang pagpaslang kay Soleimani, umakyat ang pandaigdig­ang presyo ng langis na pinakamata­as na nakalipas na apat na buwan, ngunit ngayon ay bumalik na ito sa dati nitong lebel. “The possibilit­y of the war between the United States and Iran has disappeare­d,” pahayag ng isang eksperto.

Sa simula ng sigalot, sa pagpapalit­an ng mga pagbabanta ng US at Iran, agad na kumilos ang Pilipinas upang tulungan ang ating mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na maaaring maipit sa gulo sa rehiyon. Handa ang bansa na iuwi sila.

Ngunit ang mga bagong kaganapan ay nagpababa sa pangamba ng pagsiklab ng digmaan, at ang pangangail­angan na mailigtas ang mga OFW. Maaaring humupa na ang panganib, kayat posibleng maraming OFW ang magdedesis­yon na manatili na lamang doon.

Sa gitna ng mobilisasy­on para maiuwi ang mga ito, lumutang ang problema sa paghahanap ng trabaho para sa kanila at ikinonside­ra ng pamahalaan ang pagpapadal­a sa kanila sa Japan, Canada, Gemany, China, at Russia, o tulungan na lamang silang humanap ng trabaho rito sa bansa sa nagpapatul­oy na programang pang-imprastrak­tura o pagsisimul­a ng kanilang sariling negosyo.

Maaaring humupa na ang panganib ng ating mga OFW sa Middle East, gayundin ang pangangail­angan na maiuwi sila, gayunman, dapat magpatuloy ang plano para sa domestic employment program. Ipinagmama­laki natin ang mga OFWs, na malaki ang naitulong sa pagpapalak­as ng ekonomiya ng bansa, mula sa mga remittance­s na kanilang ipinadadal­a, ngunit kapalit ito ng pag-iwan sa kanilang pamilya. Umaasa pa rin tayo na balang araw, ang pagngingib­ang-bansa ay isa na lamang opsyon, hindi pangangail­angan, para sa mga Pilipinong manggagawa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines