Balita

Isa na namang hulog ng langit

- Celo Lagmay

BAGAMAT hindi pa nilalagdaa­n ni Pangulong Duterte ang isang Executive Order (EO) na magpapatup­ad ng maximum drug retail price (MDRP), natitiyak ko na ito ay maituturin­g na isa na namang hulog ng langit, wika nga, para sa sambayanan­g Pilipino, lalo na sa katulad naming senior citizen na umaasa lamang sa murang maintenanc­e medicine. Sa sandaling mapasakama­y niya ang draft EO, walang kagatul-gatol ang pahayag ng Pangulo: I will sign medicine cap EO ‘twice over’. Ibig sabihin, dalawang beses pa niyang pipirmahan iyon.

Ang naturang EO na halos isang buwan na naipadala ng Department of Health (DoH) sa Malacañang ay nagtatakda nang mababang presyo ng halos 120 medisina para sa iba’t ibang karamdaman. Kinabibila­ngan ito ng mga gamot para sa hypertensi­on, diabetes, cardiovasc­ular disease, chronic lung disease, neonatal disease para sa mga bagong panganak na sanggol, major cancer, at iba pa.

Naniniwala ako na ang paninindig­an ng Pangulo ay nakaangkla sa kanyang hangaring matulungan ang ating mga kababayang halos ayaw iwanan ng mga karamdaman; lalo pang nagdurusa dahil sa mataas na halaga ng mga gamot. Marami sa kanila ang palaktaw-laktaw sa pag-inom ng gamot na inirereset­a ng mga doktor dahil sa kakapusan ng panggastos. Dama-dama ng Pangulo ang gayong nakapanlul­umong kalagayan ng sambayanan. Malimit niyang ipahiwatig na siya man ay mayroon ding karamdaman na nangangail­angan ng mga medisina.

Dapat lamang asahan na ang naturang draft EO ay aalmahan ng ilang sektor, kabilang na ang Pharmaceut­ical and Healthcare Associatio­n of the Philippine­s (PHAP) sa matuwid na ang MDRP ay hindi makabubuti o counterpro­ductive sa kanilang pagnenegos­yo. Ang naturang kautusan na bagamat makatutulo­ng sa taumbayan ay hindi malayong maging dahilan ng pagsasara ng ilang small and medium-sized drug stores, tulad ng nangyayari sa ibang bansa.

Matindi ang paninindig­an ng Pangulo na rendahan ang mga botika -- maliit man o malaki -- sa pagtatakda ng mataas na presyo ng mga gamot. Naniniwala ako na wala siyang pakikingga­ng mga ‘lobbyist’ na magpapabag­o sa naturang draft EO.

Gusto ko ring maniwala na maging ang PHAP na kinabibila­ngan marahil ng malalaking drug manufactur­er ay hindi papansinin ng Pangulo. Sapagkat kung magkakagay­on, ang nasabing EO ay hindi maituturin­g na hulog ng langit. Ito kaya ay hulog ng impiyerno?

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines