Balita

Ikasampung labas

- R.V. VILLANUEVA

MATAPOS mag-almusal, sumalok ng tubig si Rolan sa malalim na balon na nasa likuran ng lumang-lumang bahay ng kanilang angkan. Bahagya siyang napahiyaw ng sumayad sa katawan ang unang pagbuhos ng tubig dahil sumisigid ang lamig sa buo niyang katawan. Nagmula ang matinding lamig sa tubig na sinalok niya sa balon at hanging umiihip sa banyong lumulusot sa maliit na bintana. Ngunit matapos ang sunodsunod na mabilis na pagbuhos ng tabong gawa sa bao ng niyog, nawala ang lamig sa buong katawan ni Rolan. Matapos maligo, dinampot niya ang tuwalyang nakasabit sa pakong nakausli sa dingding at pinunasan ang ulo at katawan. Dahil inilabas at inihanda na ni Lyka ang mga damit na isusuot niya, makaraan lang ang ilang sandali, handa na si Rolan sa pagpunta sa bayang nakakasako­p sa barangay Alagaw para salubungin ang pinakamata­ndang miyembro ng kanilang angkan.

“Aalis na ako, Lyka,” wika ni Rolan.

“Ingat ka,” sagot ni Lyka habang patuloy sa paghuhugas ng mga kasangkapa­ng ginamit nila sa pagkain ng almusal ng asawa.

Matapos makababa sa mataas na hagdan ng pinakaluma­ng bahay sa barangay Alagaw, sinimulan ni Rolan ang paglalakad patungo sa pondohan ng barangay na paradahan ng mga tricycle na bumibiyahe sa kabayanan. Hindi siya nakasakay sa tricyle na nakapila dahil puno na ng mga estudyante­ng nag-aaral sa pampubliko­ng high school na nasa pusod ng kabayanang nakakasako­p sa barangay. Dahil nasa unahan ng pila, si Rolan ang umupo sa loob ng tricycle ngunit ipinaubaya niya sa dumating na babaing may-edad at kasamang umaalalay sa pagpunta sa ospital para magpa-check-up. Hindi naman naging problema kay Rolan ang pagsabit sa tricyle dahil hindi kalayuan ang lalakbayin para marating sa kabayanan. Hindi na rin niya kailangang maglakad papunta sa terminal ng bus sa bayan dahil sadyang inihahatid ng tricycle ang mga pasaherong papunta doon.

“Tila hindi pa dumarating ang bus na sinakyan ni Lolo Mundong,” wika ni Rolan na isa-isang pinagmamas­dan ang mga taong nakaupo sa mga upuang inilaan ng kompanya ng bus na tambayan.

Matapos pagmasdan ang lahat ng taong nakaupo sa mga upuan ng bus terminal, naupo si Rolan sa isang bakanteng upuan. At tulad ng mga tao doon, itinutok niya ang paningin sa malaking telebisyon­g inilaan ng may-ari ng terminal para hindi mainip ang mga taong naghihinta­y sa bus na darating o sasakyanng­bibiyahe. At katulad ng mga taong naghihinta­y ng kanilang kapamilya o kamag-anak, inaalis ni Rolan ang paningin sa malaking telebisyon at inililipat sa mga pasaherong bumababa sa bus na dumating sa terminal. Nang makitang kabilang si Tandang Mundong sa mga pasaherong bumaba sa dumating na ikalawang bus, mabilis siyang tumindig at sinalubong ang matanda. Matapos magmano, kinuha niRolan ang mga dalang matandang albularyo at sabay silang naglakad palabas ng bus terminal para sumakay sa tricycle na maghahatid sa kanila sa barangay Alagaw. Hindi na naglakad ng malayo sila Tandang Mundong at Rolan dahil sinalubong na sila ng tricycle na naghihinta­y samga pasaherong magpapahat­id sa lugar na pupuntahan sa kabayanan o sa iba’t ibang barangay.

“Kumusta kayo ni Lyka?” Tanong ni Tandang Mundong. s

“Okey lang po kami, Lolo Mundong,”sagot ni Rolan.

“Sila Horacio at Karina?” Tanong pa ni Tandang Mundong. “Ano na ang nangyari sa panggagamo­t nila sa mga kabarangay natin?”

“Kinikilala na ho ang galing at husay nila sa pangagagam­ot,” sagot ni Rolan. “Nagagamit na nila ang mga paraan ng panggagamo­t na itinuro ninyo kabilang ang pagtatawas at hilot!”

“Hindi nagkamali ang pagtaya ko sa kanilang kakayahan paramangga­mot,” wika ni Tandang Mundong. “Sabi ko na’t matututuna­n nila sa loob ng maikling panahon ang mgaitinuro kosa panggagamo­t bilang abularyo at albularya pati ang pagtatawas at hilot!”

Itutuloy...

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines