Balita

Thea, single na ulit

- Thea Mikoy Nitz Miralles

“SI N G L E ” n a u l i ang status ni Thea Tolentino dahil break na uli sila ng ka-on and off niyang karelasyon na si Mikoy Morales. Kuwento ni Thea sa taping ng Madrasta, for their respective growth ang rason ng break-up nila ni Mikoy na baka for good na.

“Sa condo ko kami nag-usap at nag-break, nagkaiyaka­n, pero kailangan na naming maghiwalay dahil naging dependent na ako sa kanya. Dumating sa point na lahat ng

kilos at desisyon ko kailangan aprubado muna niya bago ko gawin. Nawalan ako ng sariling identity. Naintindih­an ni Mikoy at pumayag siya. Ang maganda sa amin, kahit wala na kami, we are still friends, napanatili namin ang friendship namin, nag-uusap pa rin kami and the other day lang, magkasama kami,” kuwento ni Thea.

Hindi umiyak, pero napagastos si Thea sa break-up nila ni Mikoy dahil nag-mall siya the day after at bumili ng kung anu-ano. Mabuti raw at wala siyang credit card dahil kung meron, paglabas niya ng mall, may bago na naman siyang cellphone.

Six years tumagal ang on and off relationsh­ip nina Thea at Mikoy, marami ang nanghihina­yang, pero sabi ni Thea, hindi sayang ang taon na sila ng ex-BF dahil naging masaya siya sa piling nito kahit minsan may problema at marami siyang natutunan.

Kaya, tuloy ang buhay kay Thea, sa March, ga-graduate siya ng Public Administra­tion sa Trinity University of Asia at umaasang kapag nagtapos na ang Madrasta, bibigyan pa siyang kasunod na project ng GMA-7.

Alam ni Thea na marami ang naiinis at galit sa kanya sa role niyang ang kontrabida­ng si Katharine at lalo pang maha-highblood sa mga susunod na episode. Ang kapalit lang ‘pag nagko-comment ang viewers na sa karakter lang niya sila galit hindi sa kanya dahil mahal nila si Thea.

 ??  ??
 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines