Balita

Impeachmen­t vs Trump, sinimulan na

-

WASHINGTON (AP) — Binuksan ng U.S. Senate ang impeachmen­t trial ni President Donald Trump sa tahimik na seremonya nitong Huwebes – tumayo ang mga senador sa kanilang desks para manumpa ng “impartial justice” bilang jurors, pormal na binabasa ng House prosecutor­s ang mga reklamo at nakikinig si Chief Justice John Roberts.

Ito ang ikatlong impeachmen­t trial sa kasaysayan ng Amerika at magsisimul­a sa election year, sa panahong malalim na political division sa bansa.

Nahaharap si Trump sa dalawang reklamo matapos bumoto ang House na i-impeach siya noong nakarang buwan. Isa ang pag-abuso niya sa kanyang presidenti­al power sa paggigipit sa Ukraine na imbestigah­an ang Democratic rival niyang si Joe Biden, gamit ang military aid sa bansa bilang leverage. Kinasuhan din si Trump sa pagharang sa imbestigas­yon ng

Kongreso.

Iginiit ng pangulo na wala siyang ginawang masama, at ibinasura ang bagong paglilitis nitong Huwebes sa White House: “It’s totally partisan. It’s a hoax.”

Inaasahang nang maabsuwlet­o si Trump ng Senado na kontrolado ng Republican. Gayunman, lumutang ang mga bagong rebelasyon tungkol sa mga aksiyon ni Trump tungo sa Ukraine.

Sinabi ng Government Accountabi­lity Office nitong Huwebes na nilabag ng White House ang federal law sa pagkakait sa security assistance sa Ukraine, na nakikihati ng hanggagan sa kalaban na Russia.

Kasabay nito, ibinigay ni Lev Parnas, ang indicted associate ng personal lawyer ni Trump na si Rudy Giuliani, sa prosecutor­s ang mga bagong dokumento na nag-uugnay sa pangulo sa shadow foreign policy na pinatatakb­o ni Giuliani.

Sinabi ni House Speaker Nancy Pelosi na ang bagong impormasyo­n mula kay Parnas ay humihiling ng imbestigas­yon, na hindi niya inaasahan mula sa attorney general ni Trump. “This is an example of all of the president’s henchmen, and I hope that the senators do not become part of the president’s henchmen.”

Maglalabas ang Senate ng formal summons sa White House para humarap, at inaasahang sasagot ang legal team ng Pangulo sa Sabado. Magsisimul­a ang opening arguments sa Martes.

 ??  ?? Trump
Trump

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines