Balita

Alex at Mikee engaged na 73,000 PUPILS, APEKTADO Sa Taal eruption

- Ni AARON B. RECUENCO

BATANGAS CITY – Tinatayang aabot sa 73,000 estudyante ang apektado ng pagsabog ng Bulkang Taal, kamakailan.

Ipinahayag ni Department of Education- CALABARZON (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, Quezon) regional director Wilfredo Cabral, bukod dito ay nasa 78 eskuwelaha­n din ang tuluyan nang inabandona dahil saklaw ang mga ito ng 14-kilometer permanent danger zone (PDZ) mula sa bunganga ng bulkan.

Kasama rin aniya sa apektado ng nasabing kalamidad ang 3, 379 guro.

“The challenge now is for these displaced learners to continue with their classes,” paliwanag ni Cabral nang dumalo ito sa Executive Committee meeting ng DepEd.

Sa paunang talakayan, inilatag ang dalawang panukalang pagpapatup­ad ng regular classes sa mga apekatdong

pre-school, elementary, junior at senior high school students.

Una aniya, inatasan na nila ang mga school principals na malapit sa evacuation centers na i-accommodat­e ang mga nasabing estudyante.

Aniya, bawat estudyante ay papayagang pumasok sa klase, depende na rin sa kanilang grade levels.

“There will be a separate report on the performanc­e of the displaced students so that when the time comes that they would be allowed to go back, these performanc­e reports would just be turnes over to the schools they are enrolled,” aniya.

Nauna nang sinabi ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na inihahanda na nila ang three-month contingenc­y plan nito kaugnay ng pagsabog ng bulkan dahil na rin sa kasaysayan ng Taal na sumasabog sa lolob ng anim na buwan.

Isinagawa aniya nila ang hakbang dahil sa inaasahang tatagal pa ang pagaalburo­to ng bulkan na inaasahang matatapos hanggang sa matapos ang school year.

Ikalawa aniya, magtatayo ng Temporary Learning Spaces (TLS) sa mga evacuation center.

“We are currently conducting assessment as to how many TLS will be set up,” sabi pa ni Cabral.

 ??  ?? MAPANGANIB PA RIN Mataas pa rin ang posibilida­d na magkaroon ng malaking pagsabog ang Bulkang Taal sa kabila ng ilang araw na pagkalma nito kasunod ng pagbuga ng abo nitong Linggo.
AFP
MAPANGANIB PA RIN Mataas pa rin ang posibilida­d na magkaroon ng malaking pagsabog ang Bulkang Taal sa kabila ng ilang araw na pagkalma nito kasunod ng pagbuga ng abo nitong Linggo. AFP

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines