Balita

Bra, ‘di maaaring gamiting face mask -- DoH

- Mary Ann Santiago

Nilinaw kahapon ni Health Secretary Francisco Duque III na hindi maaaring gamitin ang bra bilang kapalit ng face mask, lalo na kung may ashfall, kasunod na rin nang ulat na nagkakaubu­san na ng face mask sa merkado.

Inihayag ni Duque, hindi porous ang bra kaya hindi ka makakahing­a sakaling gamitin itong pamalit sa face mask.

“You cannot use bra kasi hindi naman siya porous, hindi ka makakahing­a dun,” paliwanag nito.

Iginiit din niya na hindi inirerekom­enda ng Department of Health (DoH) na puwedeng maging alternatib­ong face mask ang bra at personal na opinyon lang ito ng isa sa kanilang assistant secretary.

Ipinayo rin niya na isa sa maaaring maging alternatib­o o pamalit kung walang face mask ay basang panyo o bimpo na itatakip sa ilong.

“Panyo o kaya parang bimpo basain tapos yun ang gamitin pantakip para yung toxic elements sa ashfall will be avoided,” paliwanag pa niya.

Nauna nang inihayag ni DoH Assistant Secretary Francia Laxamana na maaaring gamiting pamalit sa face mask ang mga bra at diaper.

Patuloy namang inabisuhan ng opisyal ang publiko na magsuot ng face mask kontra sa abong patuloy na ibinubuga ng Bulkang Taal.

Paliwanag niya, bukod sa sakit sa balat, ang abo at alikabok na ibinibuga ng bulkan ay maaari ring magdulot ng pamamaga ng lalamunan, pagkakaroo­n ng ubo, bronchitis-like illness, pagkahirap huminga at eye irritation sa sandaling malanghap ito.

Maaari ring makapuwing sa mata at magdulot ng allergy ang ashfall.

Kaugnay nito, pinayuhan naman ng Philippine Charity Sweepstake­s Office (PCSO) ang pubiko na suportahan at tumaya sa kanilang mga lotto games upang makatulong sa paglikom ng pondo na ipantutulo­ng sa mga mamamayang naapektuha­n ng pagsabog ng Bulkang Taal.

Ayon kay PCSO director Sandra Cam, isang maliit na paraan upang maipakita ang pagbabayan­ihan sa panahon ng kalamidad ay ang pagtaya sa lotto at iba pang palaro ng PCSO, dahil sa bawat P1 aniya na taya ay 30 sentimo ang napupunta sa kanilang Charity Fund.

Sa ilalim ng Charter ng PCSO ay 30% ng kita nito ay napupunta sa Charity Funds kaya kung mataas ang benta ng ahensya sa mga palaro nito ay mas mataas din ang maibibigay na tulong sa Calamity/Disaster Assistance sa mga Local Government Units (LGUs).

Tiniyak pa nito na pagkakaloo­ban rin nila ng financial assistance ang mga LGUs na naapektuha­n ng lindol sa susunod na linggo ngunit hindi pa tinukoy ang halaga nito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines