Balita

Voter registrati­on sa Taal affected areas, suspendido

- Mary ann Santiago at Leslie Ann G. Aquino

Sinuspinde ng Commission on Elections ang muling pagpapatul­oy voter registrati­on sa ilang lugar sa Batangas at Cavite na apektado ng pagputok ng Bulkang Taal.

Ipinahayag ito kahapon ni Comelec Spokesman James Jimenez ilang araw bago ang Enero 20, ang pagsisimul­a ng voter registrati­on period para sa eleksiyon sa Mayo 2022.

“Recent events have forced us to suspend the resumption of registrati­on in 25 other places,” aniya sa press briefing.

Sinabi ng poll official na ang mga lugar na ito sa Batangas ay ang Agoncillo, Alitagtag, Balete, Laurel, Lemery, Mataas na Kahoy, San Nicolas, Sta. Teresita, Taal at Talisay.

Ayon kay Jimenez, sinuspinde ang registrati­on sa mga nabanggit na lugar na malapit sa 14 kilometer danger zone.

Ang iba pang lugar sa Batangas na suspendido rin ang voter registrati­ons ay ang Balayan, Calaca, Calatagan, Cuenca, Lian, Lipa City, Mabini, San Luis at Tuy.

“These areas are not affected directly by the volcano erupting but by the resulting ashfall and earthquake­s that have happened on occasion of the eruption,” ani Jimenez.

Para naman sa Cavite, hindi magkakaroo­n ng registrati­on sa Alfonso, Tagaytay City, Amadeo, Indang, at Silang.

Sinabi ni Jimenez na ang mga nasabing lugar ay apektado rin ng kawalan ng kuryente at mga nasirang daan.

Sinuspinde rin ang registrati­on sa Makilala, North Cotabato.

Binanggit ni Jimenez ang lindol na nangyari noong nakaraang buwan.

Nang tanungin kung kailan muling magpapatul­oy ang voter registrati­on sa mga nabanggit na lugar, sinabi ni Jimenez na ito ay depende sa pagbangon ng mga nasabing lugar.

“We expect in some places recovery will proceed faster than in others. So, resumption will come sooner rather than in others,” aniya.

Para naman sa iba pang lugar sa bansa, sinabi ng Comelec na ang registrati­on ay magpapatul­oy sa Lunes, Enero 20.

“It will run until September 30, 2021. This gives us approximat­ely 20 month registrati­on period which is a relatively long time for us to register,” ani Jimenez.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines