Balita

Duterte legacy campaign, inilunsad ng Cabinet

‘HONEST SUMMARIES OF SUCCESSES AND SACRIFICES’

- Genalyn D. Kabiling

Pagbawas sa kahirapan, paglikha ng apat na milyong trabaho, infrastruc­ture developmen­t, pagtatag sa Bangsamoro region. Ilan lamang ito sa “impressive” legacy na natamo ni Pangulo Rodrigo Duterte sa kanyang unang tatlong taon sa puwesto.

Binigyang-diin ni Executive Secretary Salvador Medialdea, at iba pang Cabinet members ang mga tagumpay na ito at iba pang mga natamo ng administra­syon sa peace and order at social services sa paglulunsa­d ng “Duterte Legacy” campaign nitong Biyernes.

Ang legacy campaign ay inisyatiba ng Presidenti­al Communicat­ions Operations Office sa pag-abot ng Pangulo sa kalahati ng kanyang anim na taong termino.

“The President’s vision for a better Philippine­s is already a reality,” sinabi ni Medialdea sa government forum na ginanap sa Philippine Internatio­nal Convention Center (PICC).

“The real change we have all yearned for so long is now happening. We have made the significan­t starts, pioneered initiative­s and accomplish­ed impressive milestones as a nation during the first half of the Duterte administra­tion,” aniya.

Sinabi ni Medialdea na bumaba ang poverty incidence sa 21 porsiyento sa first half ng 2018 mula sa 27.6 porsiyento sa parehong panahon noong 2015. “We are well on our way to achieving our target of 14 percent poverty incidence by 2022,” aniya.

Aniya, inihudyat din ng gobyerno ang golden age ng infrastruc­ture sa bansa sa implementa­syon ng Build Build Build infrastruc­ture program, na kinabibila­ngan ng

mga kalsada, railways, tulay, paliparan, at irrigation systems. Ang mga ito ay inaasahang magbunsod ng countrysid­e developmen­t at lumikha ng mga trabaho.

“We have not only built structures, we have generated four million jobs for our countrymen thought the Build Build Build program,” dagdag niya.

Ipinagmala­ki din ni Medialdea ang mga pagsisikap ng administra­syon para mapabuti ang access sa de kalidad at abotkayang health care, libreng college tuition, at iba pang social services sa nakalipas na taon.

Naipasa rin sa wakas ang batas na lumilikha sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na nagkakaloo­b ng mas malawak na teritoryo at fiscal powers matapos ang dalawang dekada ng peace negotiatio­ns.

Sa pagproteks­a kapaligira­n, binanggit ni Medialdea ang rehabilita­syon ng Boracay island at ng Manila Bay alinsunod sa kautusan ng Pangulo.

“More than three years into his term, kitang-kita ninyo naman ninyo ang positibong pagbabago na hatid ng sikap at dedikasyon ng ating Pangulo. The Duterte administra­tion is driven by radical change marked with multiple milestones and progress and developmen­t,” aniya.

Sinabi naman ni Presidenti­al Communicat­ions Secretary Martin Andanar na ang mga iprinisint­ang achievemen­ts ng gobyerno ay “honest summaries of successes and sacrifices.”

Kabilang sa bagong kampanyha ang paglabas ng documentar­y series, quarterly magazines, at podcasts, upang bigyangdii­nan legacy achievemen­ts ng Pangulo. Magsasagaw­a rin ng informatio­n caravan para maitaas ang kamalayan ng mga Pilipino at town-hall engagement­s, ani Andanar.

“He (President Duterte) presents his words with great resolve and confidence, sometimes with good humor, but all the time with the compassion of a father to our nation,” diin niya.

“The Commander-in-Chief is in command, and this is his continuing legacy,” dugtong niya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines