Balita

Tindero, nalunod sa pagsagip sa 2 dalagita

- Ni MARY ANN SANTIAGO

Nagbuwis ng buhay ang isang tindero ng sigarilyo na nagdiriwan­g ng kanyang kaarawan, para mailigtas mula sa pagkalunod ang dalawang dalagita sa Baseco beach, sa Port Area, Manila kamakalawa.

Namatay si Rio Santos, 47 anyos, nagtatraba­ho rin bilang part-time janitor, tubong Nueva Ecija, at walang permanente­ng tirahan sa Maynila, nang pulikatin at malunod habang inililigta­s ang mga out-of-school youth na sina Angelica, 14, at Shane, 12, na kapwa residente ng Tondo.

Batay sa ulat ni P/SMS Bernardo Cayabyab, ng Manila Police DistrictCr­imes Against Persons Investigat­ion Section (MPD-CAPIS), dakong 1:20 ng hapon nang maganap ang insidente sa Baseco beach, bahagi ng Block 1, Gasangan, Baseco, Port Area.

Nauna rito, nagtatampi­saw sa tubig ang isang grupo ng kabataan nang biglang lumubog sina Angelica at Shane kaya’t humingi ng tulong ang kanilang mga kasamahan.

Nakita ni Santos ang pangyayari at kaagad na tumakbo para sagipin ang mga dalagita.

Kumapit ang mga dalagita sa magkabilan­g braso ng biktima habang lumalangoy patungo sa pampang ngunit biglang pinulikat si Santos.

Sa puntong ito, bumitaw ang mga dalagita na tinulungan nang makaahon ng iba pang tumulong sa lugar at hindi na napansin ang paglubog ni Santos.

Nabigo ang rescuers na kaagad matagpuan si Santos, na lumutang makalipas ang kalahating oras. Puno ng burak ang mga paa nito na palatandaa­ng sa malalim na bahagi ng tubig ito lumubog.

Sinubukan pa ng responder na sina P/Patrolman Rey Palawing at P/Cpl Romeo Catabay ng MPD-Ermita Police Station 5 (PS-5) na bigyan ng first aid at isinugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center (GABMMC) si Santos ngunit hindi na ito na-revive pa ng mga doktor.

Kuwento ng mga kaibigan ni Santos, nasa gilid sila ng Baseco beach at nag-iinuman bilang pagdiriwan­g ng kaarawan nito noong Lunes, nang maganap ang insidente.

Nakainom na umano ang biktima at pabalik-balik nang naglalango­y sa dagat nang mapansin ang paghingi ng saklolo ng mga dalagita kaya’t kaagad itong tumulong, ngunit minalas namang siya ang magbuwis ng buhay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines