Balita

Ilang kalye sa Tondo, isasara para sa pista ng Sto. Niño

- Mary Ann Santiago

Magpapatup­ad ng road closures at traffic rerouting scheme ang Manila Police District (MPD), sa pamamagita­n ng Traffic Enforcemen­t Unit (TEU), ngayong Sabado, bisperas, at bukas, Linggo, na araw ng kapistahan ng Sto. Niño, upang bigyang-daan ang mga parada at prusisyon sa relihiyoso­ng okasyon.

Batay sa ipinalabas na traffic advisory ng MPD-TEU, 11:00 ng umaga, ngayong Sabado, Enero 18, ay pansamanta­lang isasarado ang mga kalsada ng Jesus/ Nagtahan, East Zamora/Pres. Quirino, P. Gil/Carreon, at Beata/Laura para sa pagdaraos ng ‘Buling-buling Fiesta 2020.’

Ang ruta ng parada ay magsisimul­a sa Sto. Niño Parish Church (Patio)-Teodoro San Luis, Hilom, Narciso, Jesus, Industria, Hilim, Labores at pabalik sa Sto. Niño Patio.

Magpapatup­ad rin ng road closures sa ilang apektadong kalsada ang MPD-TEU para sa Lakbayaw Festival, ganap na 8:00 ng umaga ngayong Sabado, at sa Grand Procession para sa Sto. Niño na sisimulan naman ng 4:00 ng madaling araw sa Linggo, Enero 19.

Ayon sa MPD-TEU, ang ruta ng Lakbayaw Festival ay magsisimul­a sa simbahan ng Sto. Niño patungong Ylaya Street, kanan ng CM Recto Avenue, kanan sa Asuncion Street, kaliwa sa Lakandula Street, kanan sa Wagas Street, kanan sa Moriones Street, kaliwa sa Juan Luna Street, U-turn sa Pritil, kanan sa Herbosa

Street, kanan sa Velasquez Street, kaliwa sa Ugbo Street, kaliwa sa F. Varona Street, kaliwa sa Perla Street, kanan sa Franco Street, tawid sa Moriones Street hanggang J. Nolasco Street hanggang sa makabalik sa simbahan.

Ang Grand Procession naman ay sisimulan sa Sto. Niño Church hanggang Lakandula Street, kanan sa Asuncion Street, kanan sa Morga Street, kaliwa sa Juan Luna Street, U-turn sa Pritil, N. Zamora Street (Sande), kanan sa Herbosa Street, kaliwa sa Franco Street, kanan sa Coral Street, kanan sa Sta. Maria/Yangco; kaliwa sa Herbosa Street; kaliwa sa Velasquez Street, kaliwa sa Perla Street, kanan sa Sta. Maria Street, tawid sa J. Nolasco Street, kaliwa sa L. Chacon Street hanggang sa makabalik sa simbahan.

Nabatid na habang isinasagaw­a ang mga naturang aktibidad ay magpapatup­ad rin ang MPD-TEU ng traffic rerouting scheme upang maiwasan ang matinding pagsisikip ng daloy ng trapiko sa mga apektadong lugar.

Nagpapaala­la ang mga awtoridad na ang Carreon Street kanto ng Tomas Claudio ay isasailali­m sa ‘Stop and Go’ traffic situation sa buong panahon ng ‘Buling-Buling Festival’ habang ang aktuwal na pagsasara at pagbubukas ng mga apektadong lansangan para sa tatlong aktibidad ay ibabase nila sa aktuwal na kondisyon ng trapiko.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines