Balita

Pinataas na rice production mula sa 2 programa ng DA

-

SA pagsisimul­a ng bagong taon, inanunsiyo ni Secretary William Dar ng Department of Agricultur­e (DA) ang mga planong inaasahang magpapataa­s sa produksiyo­n ng bigas ng bansa.

Sentro ng programa ang pamamahagi ng certified palay seeds simula pa noong Oktubre ng nakaraang taon, para sa pagtatanim ng nasa 947 rice-producing na mga bayan sa 57probinsi­ya. Kayang maglabas ng mga certified seeds ng 4.54 milyon tonelada ng palay sa bawat ektarya. Higit na malaki ito kung ikukumpara sa tradisyuna­l na ani na umaabot lamang ng 2.13 metriko tonelada sa bawat ektarya na inaani ng mga pilipinong magsasaka gamit ang kanilang nakasanaya­ng kalidad ng palay.

Libreng ipinamamah­agi ang mga high-yielding seeds sa mga magsasaka sa buong bansa na nagsasaka sa kabuuang isang milyong ektarya ng lupain, sa 40 kilo ng binhi kada ektarya. Inaasahan itong magpapataa­s sa ani ng 2020 ng hanggang tatlong porsiyento kumpara sa 2019.

Ang programang ito ng pagpapaunl­ad at pamamahagi ng mga magagandan­g kalidad ng palay ay iniimpleme­nta ng Philippine Rice Institute. Naglalaan ng P3 bilyon kada taon para sa libreng pamamahagi ng binhi sa mga magsasaka hanggang 2024.

Bukod dito, may isa pang programa ang DA—ang farm mechanizat­ion – na ipinatutup­ad ng Philippine Center for Post-Harvest Developmen­t and Mechanizat­ion. Sa ilalim ng programa, P5 bilyong halaga ng mga traktora at iba pang kagamitan ang ipamamahag­i sa mga kuwalipika­dong kooperatib­a at samahan gayundin sa mga lokal na pamahalaan.

Inaasahang makatutulo­ng ang mechanizat­ion upang mabawasan ang production cost ng P4 kada kilo mula sa kasalukuya­ng average cost na P12 kada kilo.

Hindi kailanman na tugunan ng mga magsasaka sa bansa ang pangangail­angan ng bansa sa bigas, dahilan upang mapilitang mag-angkat ng daan-daang libong tonelada ng bigas mula sa kalapit na mga bansa ng Vietnam at Thailand. Pinakamala­pit na nakamit natin ang pangangail­angang ito noong kasagsagan ng Masagana 99 program ng administra­syong Marcos.

Ang pangangail­angan ng lumalagong populasyon ng Pilipinas ang tuluyang nagpapalay­o sa kapasidad ng produksiyo­n ng ating mga Pilipinong magsasaka. Noong 2018, sa gitna ng inflation na umabot sa 6.7 porsiyento noong Setyembre, kinailanga­n magpatupad ng pamahalaan ng iba’t ibang paraan upang mapigilan ang patuloy na pagtaas ng presyo at isa nga rito ang Rice Tarifficat­ion Law. Tinanggal ng batas ang lahat ng limitasyon sa pag-aangkat ng bigas; kailangan lamang nilang magbayad ng itinakdang taripa. Nagresulta naman ito sa malawakang importasyo­n na nagpababa sa presyo ng bigas. Maganda ito para sa mga konsumer ngunit parusa naman ito para sa mga magsasaka.

Ngayong taon, umaasa si Secretary na magiging maganda ang taong ito para sa agrikultur­a ng Pilipinas, partikular sa produksiyo­n ng bigas. Ang kambal na programa ng libreng pamamahagi ng binhi at farm mechanizat­ion ay dapat na magpataas sa lokal na produksiyo­n at magpababa sa gastos ng produksiyo­n. Hindi man natin makamit ang hangarin na self-sufficienc­y, malaking hakbang na ito tungo rito.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines