Balita

Hindi na daw ako mahal ni misis

-

Dear Manay Gina, Napaaga ang kasal namin ng aking misis dahil agad siyang nabuntis. Napilitan din akong magtrabaho nang husto, at medyo napabayaan ang papel ko bilang mister.

Noong araw, nagkaroon ng isang close friend na lalaki ang aking asawa. Ngayon ay hiwalay na ito sa kanyang naka-live in. Sa aking pakiramdam, naging malapit silang muli ng aking misis dahil pareho silang nangailang­an ng pansin. Nang minsang nag-away kami ng aking asawa, sinabi niyang hindi na niya ako mahal. Inamin din niya, na nagkikita sila ng lalaking nabanggit. Pero ayon sa kanya, malapit na magkaibiga­n lamang sila. Ang tanong ko po ay kung pwede pa bang isalba ang marriage, kapag isa lamang sa mag-asawa ang may kagustuhan nito?

MK Dear MK, Magandang hakbang sa pagbabago ang pag-amin na nagkulang ka sa iyong asawa. Of course, it always takes two to tango. Pero malaking bagay kung kahit isa sa mag-asawa ay may marubdob na pagnanais na manatili ang mahusay na pagsasama.

Ang nangyari sa iyo ay karaniwang nararanasa­n din ng iba. Marahil, ikaw man ay nakadama ng pagkasukol dahil sa maagang pagpapakas­al. Tulad ng iyong maybahay, maybe you’ve also felt trapped into marriage. Ipaunawa mo ito sa iyong misis.

Suyuin mong muli ang iyong asawa hanggang ang mabuting pakikitung­o n’yo sa isa’t isa ay manumbalik. Go back and fan that original spark! Ang iyong pagbabago ay maaaring maka-impluwensi­ya sa ugali ng iyong maybahay.

Humingi kayo ng payo sa isang third party, na gagabay sa inyong bagong commitment sa inyong kasal ---- puwedeng ito ay isang pari o pastor o sinumang authorityf­igure. Higit sa lahat, ‘wag mong kaligtaang manalangin.

Nagmamahal, Manay Gina

“True love is the surest foundation for peace.” --- Corra May Harris

-

Ipadala ang tanong sa dearmanayg­ina@ yahoo.com

 ?? Gina de Venecia ?? DEAR MANAY GINA
Gina de Venecia DEAR MANAY GINA

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines