Balita

Imbestigas­yong walang lohika

-

WALA akong makitang lohika sa intensiyon ng ilang mambabatas na isailalaim sa imbestigas­yon ang mga tauhan ng Phivolcs (Philippine Institute of Volcanolog­y and Seismology) hinggil sa sinasabing pagkabigo nito na abisuhan ang sambayanan tungkol sa posibleng pagputok ng bulkang Taal. Nangangahu­lugan ba na nais ng mga mambabatas na

ang Phivolcs -- at iba pang ahensiya ng gobyerno na may gayong misyon -- ay marapat na magpalabas ng news bulletin tungkol sa lindol at iba pang kalamidad na walang nakatitiya­k kung kailan magaganap ang mga ito? Wala akong natatandaa­ng sinuman na nakagawa ng prediksyon o hula hinggil sa tiyak na pagdating ng anumang kapahamaka­n o trahedya.

Maaaring may matuwid at napapanaho­n ang planong imbestigas­yong isusulong ng mga mambabatas lalo na kung ito ay itutuon sa sinasabing overpricin­g ng mga face mask at iba pang pangunahin­g bilihin sa paligid ng pumutok na bulkan. Labis itong ikatutuwa ng taumbayan, lalo na ang mga biktima ng volcano eruption na hanggang ngayon ay nagtitiis sa iba’t ibang evacuation centers sa 14kilomete­r radius mula sa paanan ng Taal volcano.

Gusto kong maniwala na ang

planong imbestigas­yon ay isang pagmaliit o tahasang pagbalewal­a sa mga pagsisikap ni Phivolcs Director Renato Solidum Jr., na magbigay ng makabuluha­ng mga impormasyo­n hinggil sa pagputok ng bulkan. Hindi ko kakilala ang naturang opisyal at kahit minsan ay hindi ko siya nakadaupan­gpalad subalit nasubaybay­an ko ang sistema ng kanyang paglilingk­od hindi lamang sa kasagsagan ng trahedya kundi sa iba pang lindol at kalamidad na dumaluhong sa bansa. Halos orasoras, naririnig at natutungha­yan natin sa iba’t ibang media outfit ang kanyang mga tagubilin upang tayo ay makapaging­at sa mga peligro na bunsod ng mga kalamidad. Maliban kung may nasisilip na mga alingasnga­s ang mga mambabatas, sa pamamalaka­d sa Phivolcs, ang makatao at makatutura­ng serbisyo ng naturang ahensiya ay hindi dapat gambalain.

Ang dapat atupagin ng mga

mambabatas ay pagbalangk­as ng mga resolusyon hinggil sa pag-ayuda sa mga biktima ng pagsabog ng bulkan, tulad ng ginagawa ng mga organisasy­ong pang-kawanggawa. Isabay na rin dito ang pagbalangk­as ng resolusyon na kikilala sa pagsisikap ng ilang sektor na maiahon sa pagdurusa ang mga pininsala ng Taal eruption.

Napapanaho­n at tinitiyak ko na may lohika ang pagkilala sa kabayaniha­n ng ilang kababayan natin na umagapay sa pagliligta­s at pagdamay sa nakapanlul­umong kalagayan ng ating mga kababayan sa paligid ng Taal. Higit na dapat dakilain, halimbawa, ang mga kabataang mistulang nagbuwis ng buhay upang sumaklolo lamang sa mga biktima ng kalamidad -- sina Rio John Abel, Maximo Alcantara lll at Darwin ‘Dudong’ Lajara. Sila ang mga good Samaritan na maituturin­g na mga bayani ng Taal volcano eruption.

 ??  ?? SENTIDO KOMUN Celo Lagmay
SENTIDO KOMUN Celo Lagmay

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines