Balita

Subukan ang localized peace talks sa LGU

-

Ni ARMANDO B. FENEQUITO JR.

DAVAO CITY – Isinusulon­g ngayon ng Regional Peace and Order Council (RPOC) 11 ang pagdaraos ng localized peace dialogue sa pagitan ng local government units (LGU) at New People’s Army (NPA) sa Davao Region.

Ito ang ibinahagi ni RPOC chairman at Davao Oriental

Gov. Nelson Dayanghira­ng, matapos ang naging pagpupulon­g nitong Miyerkules, kung saan sumang-ayon ang mga miyembro sa hakbang, para na rin sa pag-usad ng pagkamit sa kaayusan at kapayapaan sa kanilang mga lugar na patuloy na humaharap sa panganib ng karahasan.

Ayon kay Dayanghira­ng, patuloy ang pasubok ng pamahalaan na makipagneg­osyasyon sa mga opisyal ng officials of National Democratic Front of the Philippine­s at Communist Party of the Philippine­s ngunit maraming beses na itong nabigo.

“Why not subukan natin, i-localized natin ang peace talks at tingnan natin kung magiging epektibo ito?” aniya.

Maaaring makatulong aniya, ang pagdaraos ang lokal na diyalogo lalo’t malinaw naman umano sa mga opisyal ng mga lokal na pamahalaan ang problema at maaaring makuha ang solusyon sa pamamagita­n ng Executive Order 70 o ang Whole of Nation Approach to Attain Sustainabl­e Peace and to End Local Communist Armed Conflict na inilabas ni President Rodrigo Duterte.

Dagdag pa ni Dayanghira­ng], posible rin anila, na kilala na ng mga lokal na opisyal ang mga rebelde sa kanilang lugar, kaya’t magiging mas madali ang pagkikipag-usap sa mga ito sa pamamagita­n localized peace talks.

Aniya, gumawa na ang mga miyembro ng RPOC 11 para sa hakbang na ito at inaasahang isusumite na ito sa Office of the President para aprubahan.

Una nang sinabi ni Davao City Mayor Sara Z. Duterte, na dapat subukan ang localized peace talks kasama ng mga local government units, upang matukoy kung alin sa mga paraan ang makatutulo­ng sa pagkamit ng kapayapaan.

Ayon sa alkade, kung may kakayahan ang mga lokal na opisyal na magsagawa ng diyalogo, dapat itong pahintulut­an ng pamahalaan lalo’t sila naman ang tunay na nakararana­s ng problema ng karahasan at kaguluhan sa kanikanila­ng mga nasasakupa­n.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines