Balita

Wedding venue nina Juancho at Joyce, ililipat

- Ni NITZ MIRALLES

DAHIL sa Taal volcano eruption, nabago ang venue ng wedding nina Juancho Trivino at Joyce Pring dahil sa halip na sa Tagaytay City ang wedding nila ni Joyce, ililipat na ito. Nakakahiya nga kung doon pa rin ang wedding nila habang hindi pa maayos ang Tagaytay, Batangas at Cavite.

Nakausap namin si Juancho sa taping ng Afternoon Prime na Madrasta at hindi maiwasang matanong siya sa wedding nila ni Joyce na “soon” lang ang kanyang sagot nang tanungin kung kailan sila ikakasal.

Tapos na ang prenup pictorial nina Juancho at Joyce sa Siargao at may isa pa raw silang prenup pictorial na again, hindi nito sinabi kung saan at kung kailan. In fairness sa amin at mga kasamang reporter, hindi namin kinulit si Juancho sa pagtatanon­g ng mga bagay na may kinaalaman sa kasal nila ni Joyce.

Anyway, twice na ni Juancho na mag-portray ng role ng isang married man na ginagampan­an niya sa Madrasta, kaya kahit papaano, may experience na siya although’ iba ang reel sa real.

Sa mga na-interview naming cast ng Madrasta, pansin na pare-pareho ang sinabi nilang naging close sila at parang pamilya na ang turingan sa isa’t isa. Nag-agree rito si Juancho and in fact, ipinaalam niya sa cast na magpo-propose siya sa Boracay at isinama pa nga niya sa Boracay si Thea Tolentino na imbitado rin sa wedding.

“I’m soo happy nitong mga araw na ‘ito, hindi lang dahil sa wedding namin ni

Joyce, ang laking tuwa rin ang dala na maganda ang kinalabasa­n ng Madrasta. Mataas ang ratings namin at twice na kaming extended. Dahil ito sa maganda ang story ng teleserye at may mga nakaka-relate,” sabi ni Juancho.

 ??  ?? Juancho at Joyce
Juancho at Joyce

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines