Balita

Max Collins, tuloy sa trabaho kahit preggy

- Ni NORA V. CALDERON

SUPORTADO si Kapuso actress Max

Collins ng Kapuso actor husband niyang si Pancho Magno. Ilang months nang preggy si Max ng first baby nila ni Pancho, pero ayaw pa rin niyang huminto ng pagtatraba­ho. Biro ngang sagot ni Max sa isang interview sa kanya kung kailan siya magmamater­nity leave, “hanggang kaya ko pang magtrabaho, kahit mangangana­k na ako, tuloy pa rin ako sa work ko.”

Kasama kasi si Max sa isang romantic-comedy series na Anak ni

Waray Vs. Anak ni Biday na gaganap siyang young Snooky Serna na magiging nanay ni Barbie Forteza. Malapit-lapit na itong mapanood sa GMA primetime telebabad, bago matapos ng Enero,

2020. Kasama rin nila rito sina Dina Bonnevie at Kate Valdez with the special participat­ion

of Lovi Poe as the young Dina, na mother naman ni

Kate.

Tinanggap din ni Max ang special episode ng Magpakaila­nman na magtatampo­k sa kanila ni Pancho

bilang mag-asawa.

Ang Kabit na Walang Mukha (The Hector and Minda Bagulbagul Story) ang episode nila na idinirek ni Neal

del Rosario. Masaya at mapayapa ang relasyon nlang mag-asawa nang makaranas ng isang sakuna at kinailanga­ng mag-abroad si Hector. Doon niya nakilala ang isang profession­al scammer na kinuha ang kaniyang loob para sa maitim nitong balak.

Hindi lihim na sa panahon ngayon, parami na nang parami ang nagkaka-inlaban online. Sa paggamit ng iba’t ibang apps, makakakuha ka nang pwedeng magamit upang makakilala ng iba’t ibang klase ng taon, na aakalain mong ‘the one’ na siya. Sino ang makikilala ni Hector, sisirain ba nito ang pagsasama nila ni Minda?

Mapapanood ang “Magpakaila­nman” ngayong gabi, January 15, 8:30 PM, pagkatapos ng Daddy’s Gurl.

 ??  ?? Pancho at Max
Pancho at Max

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines