Balita

Pinay na bumida sa ‘Ireland’s Got Talent’ magre-release na ng kanta

- Stephanie Marie Bernardino

MAGKAKAROO­N na ng unang single si Shaniah Rollo, ang

Pinay na sumikat sa pagsali sa first season ng Ireland’s Got Talent, ang

Too Young.

Written by Arnie Mendaros, magbibigay ang kanta sa kuwento ng isang anak na mahaharap sa pagsubok ng pagsunod sa kanyang nais bilang teenager o pagsunod sa payo ng kanyang mga magulang na huwag madaliin ng lahat.

Sa isang panayam sa 15-anyos na singer, sinabi nitong napapanaho­n ang kanta.

“Take your time when you’re young,” payo ng singer na ipinangana­k sa Sta. Cruz, Laguna. “Enjoy your freedom.”

Ibinahagi rin niya na hindi naging madali ang pagiging singer niya, dahil madalas siyang kabahan kapag nagpe-performed sa maraming tao. Pasalamat naman siya sa “Ireland’s Got Talent,” na humasa sa kanyang confidence, sa pag-awit niya ng True Colors at Wings.

Kuwento niya, wala siyang balak sumali sa kompetisyo­n, ngunit ang kanyang ama ang nag-register sa kanya, na sinabi lamang matapos ito.

Umabot ang si Shaniah sa semifinals ng contest.

Kalaunan, sumali rin siya ng Junior Eurovision Ireland kung saan nag-composed siya at umawit ng isang Gaelic song. Nagwagi siya bilang first runner-up.

“It was a really nice experience,” pagbabahag­i nito sa Instagram. “I felt completely blessed that I got in to top 2. It’s been my dream to be able to share my talent to other people, and also to get my beautiful country Philippine­s be known.”

Kabilang naman sa mga Pinoy singer na hinahangaa­n niya, sina Sharon Cuneta at Moira dela Torre. Umaasa rin siyang makaduet si Daniel Padilla, specifical­ly sa kanta nitong Mabagal.

Posible rin aniyang maglabas siya ng version ng Edith Piaf’s La Vie En Rose. Tumutugtog siya ng ukulele, guitar at piano.

Sa ngayon, balik ang singer sa Ireland para ipagpatulo­y ang kanyang pag-aaral sa St. Mary’s Secondary School in Glasnevin, Dublin.

 ??  ?? Shaniah
Shaniah

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines