Balita

Kapampanga­n, wagi sa Ala Eh!

-

ANGELES, PAMPANGA – Bumalikwas ang Pampanga mula sa 19 puntos na paghahabol para maungusan ang Batangas-Tanduay sa overtime, 82-79, nitong Huwebes sa Chooks-toGo MPBL Lakan Season sa AUF Gym dito.

Naisalpak ni Larry Muyang ang jumper may 12.4 segundo ang nalalabi sa extra period para basagin ang 79-all score at sandigan ang Pampanga sa makapigilh­iningang panalo.

“Ginamit namin yung isa naming depensa, yung ginagamit namin noong umpisa ng liga, hindi napansin ng Batangas yun kaya nakahabol kami,” pahayag ni Pampanga head coach Bong Ramos.

Nabaon sa 65-50 ang Pampanga sa final period bago umarya sa 16-2 run at maidikit ang iskor sa 66-67 matapos ang fastbreak layup ni Mark Cruz .

Nahila ang laro sa overtime sa 72-all nang maibuslo ni Muyang ang putback mula sa mintis na three-pointer ni Mark Cruz.

Hataw si Levi Hernandez sa naiskor na 32 puntos para sa Giant Lanterns, habang kumana si Michael Juico ng 13 markers at 12 rebounds.

Ginapi naman ng Bulacan ang Caloocan-Victory Liner, 81-79, para sa ika-anim na sunod na panalo.

“Ang intention ko talaga ay bigyan yung mga bench players namin ng kumpyansa kaya medyo nadikitan kami pero kailangan kasi namin mag invest sa kanila para maging stronger ang team,” sambit ni Bulacan coach Kerwin Mccoy.

Kumubra si Jovit Dela Cruz ng 14 puntos, pitong rebounds, apat na assists at tatlong steals para mahila ang marka ng Kuyas sa 18-8 at No.4 sa North Division.

Samantala, nanaig ang Pasig-Sta. Lucia sa Imus-Luxxe Slim’, 93-88.

Kumana si Jeric Teng ng career-high 35 puntos, tampok ang pitong threepoint­ers para sa Realtors (15-11).

“From first to third quarters, napakagand­a na nang itinatakbo namin, pagdating ng fourth quarter, nag collapse na naman kami sa depensa. Good thing nanalo pa rin kami, we will take this kaysa matalo,” pahayag ni Pasig coach Bong Dela Cruz.

Iskor:

(Unang Laro) Pampanga 82 - Hernandez 13, Juico 13, Muyang 9, Cruz 8, Maiquez 7,

Cervantes 6, Apreku 4, Alberto 2, Fabian 1, Thompson 0.

Batangas-Tanduay 79 - Viernes 19, Melano 12, Suerte 12, Bragais 11, Tungcab 6, Olivares 5, Sara 5, Grimaldo 4, Santos 3, Eguilos 2, Koga 0.

Quartersco­res: 9-22, 29-39, 48-59, 72-72, 82-79.

(Ikalawang Laro)

Bulacan (81) - Dela Cruz 14, Alvarez 13, Santos 13, Escocio 11, Siruma 11, Alabanza 7, Diputado 6, Arim 3, Taganas 2, Nermal 1, De Mesa 0, Antipuesto 0.

Caloocan-Victory Liner (79) Sanga 21, Labing-isa 21, Ambulodto 11, Escalambre 8, Tongco 7, Sarangay 6, Marilao 5, Cervantes 0, Lasco 0, Gonzales 0.

Quartersco­res: 20-15, 43-33, 65-60, 81-79.

(Ikatlong Laro)

Pasig-Sta. Lucia (93) - Teng 35, Nimes 23, Manalang 13, Mendoza 8, Gotladera 5, Najorda 3, Medina 2, Tamayo 2, Velchez 2, Grealy 0, Chavenia 0.

Imus-Luxxe Slim (88) - Cunanan 19, Nacpil 17, Helterbran­d 15, Cantimbuha­n 9, Vito 8, Munsayac 6, Ng Sang 6, Deles 4, Morales 4, Dedicatori­a 0, Ong 0, Arellano 0.

 ??  ?? UMISKOR sa layup si Jaydee Tunggab ng Batangas laban sa depensa ng Nueva Ecija sa MPBL Lakan Cup.
UMISKOR sa layup si Jaydee Tunggab ng Batangas laban sa depensa ng Nueva Ecija sa MPBL Lakan Cup.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines