Balita

Hallasgo, liyamado sa MILO Nat’l Finals

-

SENTRO ng atensyon ang hidwaan para sa korona bilang ‘MILO Marathon Queen’ sa pagitan nina Christine Hallasgo at Mary Joy Tabal sa pagsikad ng MILO National Finals bukas sa Tarlac Plazuela.

Ang torneo ang finale sa 10-leg event ng pamosong torneo na may temang “One Team. One Nation. Go Philippine­s!” bilang simbolo ng pagkakaisa at pagdiriwan­g para sa paghahanda ng atletang Pinoy sa nakalipas na 30th Southeast Asian Games.

Ngunit, higit na naging interesado ang torneo sa makasaysay­ang pagwawagi ni Hallasgo – Manila leg winner – laban sa liyamado at Olympian na si Tabal, sa SEA Games.

Sa men’s division ng main 42K category, paborito sina National Team member at 2019 Manila Leg Champion Anthony Nerza, dating MILO Marathon King Jeson Agravante, at National Team member at 2018 National Finals Runner-Up Jerald Zabala.

Kabuuang 17,000 runners ang sasabak sa patakbo para sa mga kategoryan­g 42K, 3K, 5K, 10K, 21K, at 42K.

Kaalinsaba­y ng National Finals ang pagdiriwan­g ng Tarlac City sa Kaisa Festival, taunang kasiyahan na nagbibida sa malalim na kultura, tardisyon at kasaysayan ng lalawigan.

Target ni Tabal, 2017 Sea Games champion, na makabawi kay Hallasgo at makamit ang ika-anim na MILO Marathon title.

Inaasahan ang three-way fight sa presensiya ni dating SEA Games champion Cristabel Martes, kampeon sa Lingayen leg nitong Agosto.

Mahigpit ding challenger sa men’s side para kunin ang korona kay Agravante ay sina Nerza at Zabala, kapwa sumabak ngunit nabigo sa SEA Games.

Naghihinta­y ang P150,000 premyo at tropeo sa MILO Marathon King and Queen bukod sa slots na naghihinta­y sa National Team sa pangangasi­wa ng hilippine Athletics Track and Field Associatio­n (PATAFA). May karagdagan­g P100,000 sa makakapagt­ala ng bagong course record at bonus na P50,000 sa makakabura sa men’s course record (2:18:53) ni Eduardo Buenavista at women’s course record (2:48:00) ni Tabal.

Bilang bahagi ng programa, magbibigay din ng bagong sapatos at bola ang MILO sa mga estudyante mula sa pampubliko­ng eskwelahan sa Tarlac. Ngayong taon, kabuuang 85,000 pares ng sapatos at 2,500 basketball­s ang naipamigay ng MILO.

 ??  ?? HALLASGO: Angat sa mga beteranong karibal.
HALLASGO: Angat sa mga beteranong karibal.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines