Balita

ParaGamers, naghahanda na sa ASEAN tilt

- Annie Abad

PORMAL nang binuksan ng Philippine Sports Commission (PSC) ang bagong ayos na Philsports Complex para sa mga National paraathlet­es na mag-eensayo bilang paghahanda para sa nalalapit na 2020 Asean Para Games na magaganap ngayong Marso.

Ayon kay PSC chairman William “Butch” Ramirez, ang mga pasilidad na gaya ng Rizal Memorial Sports Complex at ang Philsports sa Pasig ay ipinaayos upang magamit ng mga elite athletes bilang kanilang pangunahin­g training hub.

“The renovation­s done in both Rizal Memorial and in Philsports are primarily for our elite athletes,” pahayag ng PSC Chief.

Bukod dito ay ipinahayag din ni Ramirez na maari nang magamit ng mga dekalidad na mga paraswimme­rs na gaya nina Ernie Gawilan, Garry Bejino at ang buong swimming team ang world class facility at FINA-certified na New

Clark City aquatic center sa huling linggo ng buwan.

“We want to duplicate the same success Team Philippine­s had taking top rank of the 30th SEA Games. The PSC will continue to give its full backing to the more than 280 national para-athletes competing in the Para Games,” ani Ramirez.

Ipinagpasa­lamat naman ng Philippine Paralympic Committee (PPC) Executive Director na si Dennis Esta ang suporta na ipinagkaka­loob ng PSC para sa mga Para-athletes.

“Our national para-athletes are inspired to work harder as they use the new facilities inside Philsports. We thank the PSC for supporting us,” ayon kay Esta.

Ang Asean Para Games ay nakatakda sa Marso 21 hanggang 27 kung saan 16 sport discipline­s ang lalaruin sa 14 na venues sa kabuuan ng Metro Manila, Subic at Clark Pampanga.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines