Balita

PH National Team, iwas muna sa abo

- Annie Abad

SA pagputok ng Taal Volcano, hindi lamang pang-araw-aaraw na pmumuhay ng mga residente at mga mamayang nakatira malapit ang naapektuha­n sa kasalukuya­n.

Maging ang mga atletang Pinoy apektado rin.

Apat na araw matapos na tabunan ng makapal na abo buhat sa pagbuga ng Taal ang buong Batangasat ang mga kalapit bayan nito, walang plano ang Philippine Sports Commission (PSC) na itigil ang suspensyon para sa outdoor training para sa mga national athletes na unan nilang ipinatupad.

Sinabi ni Senior Executive Assistant na si Marc Velasco na patuloy silang nakikipag-ugnayan sa mga national sports associatio­n upang maghanap ng ibang paraan upang makpagpatu­loy sa ensayo ang ating mga atleta na hindi maapektuha­n ang kanilang kalusugan, bunsod ng kasalukuya­ng sitwasyon ng Bulkang Taal.

“We have been coordinati­ng with the NSAs to look for training alternativ­es. But then, PSC would always work on the safe side. We will be very prudent and vigilant on the health of the athletes.” pahayag ni Velasco.

Nauna dito ay pinatigil muna ng PSC ang lahat ng mga outdoor training at iba pang mga pisikal na aktibidade­s ng mga national athletes upang masiguro ang kanilang kaligtasan.

“We cannot risk the health of our national athletes even after the ashfall has lessened. We try to see for another two days if we can resume the outdoor training,” ayon pa kay

Velasco.

Kabilang sa mga koponan na direktang apektado sa pagputok na ito ng Taal ay ang windsurfin­g at ang mga skateboard athletes na parehong nakabase sa Batangas.

Ang mga windsurfer­s ng bansa ay nag-eensayo at nakatira sa Mabini, Batangas na kabilang sa mga bayan na nasalanta ng nasabing pagsabog ng bulkan.

Dahil dito, minabuti ng pamunuan ng Winsurfing Associatio­n na maghanap ng alternatib­ong paraan, kung saan plano nilang ilipat muna sa Subic Zambales o kung saan mang lugar sa Norte angkanilan­g mga atleta upang doon ay magpatuloy ng pageensayo.

“We also know that we cannot keep our training hanging for days, so we are now considerin­g some alternativ­es like moving to Subic Bay Zambales or somewhere in Northern Luzon,” pahayag ni Philippine Windsurfin­g Associatio­n, Inc. President na si Manny Cabili.

Samantala, ikinalungk­ot naman ni national skateboard athlete Mak Feliciano ang nangyari sa bagong gawang tatlong hektaryang skate park sa Tagaytay City na natabunan ng makapal na abo buhat sa pagputok ng Bulkan.

“Nakakalung­kot po kasi ang daming naapektuha­n kasama na nga po ung skate park,” ani Feliciano na kasalukuya­ng nasa Hong Kong upang magtrainin­g.

Nangako naman si Feliciano natutulong siyang malinis ang lugar sa oras na siya ay bumalik ng bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines