Balita

Bucks, tumatag; Suns at Pelicans, nakaungos

-

MILWAUKEE (AP) — Ratsada si Giannis Antetokoun­mpo sa naisalansa­n na 32 puntos at 17 rebounds para maisalba ang Milwaukee Bucks laban sa Boston Celtics, 128-123, nitong Huwebes (Biyernes sa Manila).

Hataw din si Khris Middleton ng 23 puntos para sa NBAleading team Bucks.

“We were up 20 twice and they came back,” pahayag ni Antetokoun­mpo. We didn’t play the best basketball and how we usually play. I was kind of upset after the game. We talked in the locker room. We talked to one another. We were up 20 and we won but we’ve got to play for 48 minutes.

“Coach Bud came in here and he was steaming hot. He was angry and that’s good. He doesn’t really care about this game or the next game. He cares about how we can get better and how can we be good for 48 minutes. That’s what our goal is,” aniya.

Nahila ng Bucks ang winning streak sa lima para sa 37-6 karta.

“It’s a very long season, still,” samba tni Celtics guard Kemba Walker. “We got so many games to play. When you have losses like this, you just have to learn from it, and I think we will.”

Nanguna si Walker sa Boston sa game-high 40 puntos. Hindi naman nakalaro si Jaylen Brown na nagtamo ng injury sa kamay sa kabigunala­ban sa Detroit nitong Miyerkoles. PELICANS 138, JAZZ 132 (OT)

Sa New Orleans, natuldukan ng New Orleans Pelicans, sa pangunguna ni Brandon Ingram na may career-high 49 puntos, 10-game winning streak ng Utah Jazz.

Nakaabante ang Utah sa 132-127 mula sa three-pointer ni Bojan Bogdanovic may 2:28 sa overtime, ngunit nabigo silang makaiskor mula roon, habang kumana ang Pelicans ng 11 sunod na puntos, tampok ang layup nina Derrick Favors at E’Twaun Moore.

Tumapos si Favors na may 21 puntos, 11 rebounds at tatlong blocks, habang kumana si Moore ng 16 puntos.

SUNS 121, KNICKS 98

Sa New York, hataw si Deandre Ayton sa naiskor na 26 puntos at career-high 21 rebounds sa panalo ng Phoenix Suns kontra New York Knicks.

Nag-ambag si Devin Booker ng 29 puntos at tumipa si Ricky Rubio ng 25 puntos at 13 assists sa Suns, kumana ng mataas na 51% (47 for 92) sa field.

Kumubra rin sina Julius Randle ng 26 puntos, habang kumubra sina Marcus Morris Sr. at Mitchell Robinson ng 14 at 12 puntos, ayon sa pagkakasun­od sa Knicks.

LeBron, umungos ng todo kay

Doncic

Sa New York, Napalawig ni Los Angeles Lakers LeBron James ang kalamangan kay Dallas Mavericks Luka Doncic sa NBA All-Star voting para sa No.1 spot sa Western Conference.

Lumobo sa 149,564 boto ang bentahe ng four-time MVP sa European star matapos ang ikatlong fan votes return.

Ang makakakuha ng pinakamara­mingboto ang magiging team captain NBA AllStar Game ay may karapatang pumili ng kanyang teammates sa nakatadang drafting sa Feb. 6.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines