Balita

Pharma giant Sanofi kinasuhan ng manslaught­er

-

PARIS (AFP) - Idinemanda ng French prosecutor­s ang pharma giant na Sanofi ng manslaught­er dahil sa birth defects na iniugnay sa isang epilepsy drug, sinabi ng kumpanya nitong Lunes, sa matagal nang kaso na may kasama ding fraud.

Ang mga kaso ay kaugnay sa gamot na valproate, na ibinebenta bilang Depakine at iba pang mga pangalan, na ayon sa mga pag-aaral ay nagdulot ng mga kapansanan sa halos 15,00030,000 kabataan na ang mga ina ay uminom ng gamot habang buntis.

Nasa merkado simula pa noong 1967, ang gamot ay ginagamit para lunasan ang epilepsy, migraines at bipolar disorder.

Ngunit natuklasan ng pananaliks­ik na kapag ininom ng mga buntis ang gamot, ang kanilang mga anak ay may mataas na peligro - sa pagitan ng 10 hanggang 40 porsyento - ng mga congenital malformati­ons, autism at kahirapan sa pag-aaral.

Ang Sanofi ay nahaharap sa magkakakah­iwalay na mga asunto ng aggravated fraud at unintentio­nally causing injury sa 42 kaso na isinampa ng mga pamilya, ngunit iginiit na binalaan nito ang mga awtoridad sa kalusugan ng mga panganib ng droga noong 1980s.

Nitong Lunes, kinumpirma ng kumpanya ang isang ulat sa pahayagang Le Monde na kinasuhan din ito ng prosecutor­s ng manslaught­er.

Ngunit sa pahayag na ipinadala sa AFP iginiit nito na tumupad ito sa kanyang obligaayin na magbigay ng impormasyo­n tungkol sa droga at side-effects nito, at sinabing kinontra nito ang “validity of these proceeding­s.”

Sinabi ng Sanofi na naghain ito legal challenge sa demanda.

Ang Sanofi, isang France-based multinatio­nal, ay nagtatraba­ho sa isang kandidaton­g bakuna laban sa novel coronaviru­s kasama ang GSK ng Britain, kung saan tatanggap ito ng hanggang $2.1 bilyon mula sa US government.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines