Balita

House-to-house vs COVID-19

- Mary Ann Santiago

Magbabahay-bahay ang mga tauhan ng Department of Health (DOH) at mga personnel ng mga local government units (LGUs) sa ilang piling barangay na nasa ilalim ng modified enhanced community quarantine (MECQ) upang hanapin at tukuyin ang mga indibidwal na nagpapakit­a ng mga sintomas ng coronaviru­s disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay Health Undersecre­tary Maria Rosario Vergeire, bahagi ito ng pag-recalibrat­e nila ng mga istratehiy­a na isasagawa sa panahon ng dalawang linggong MECQ sa Metro Manila, Cavite, Laguna, Rizal at Bulacan, kung saan

nakakapagt­ala nang pagtaas ng mga kaso ng virus.

Aniya, una nilang ilulunsad ang naturang programa sa Metro Manila at sa Calabarzon (Cavite, Laguna, Batangas, Rizal, and Quezon).

Paliwanag ni Vergeire, isa sa mga istratehiy­a na kanilang gagamitin ay ang tinatawag na ‘Coordinate­d Operations to

Defeat Epidemic’ (CODE) strategy kung saan bababa sila sa LGUs.

Ia-adopt rin aniya nila ang “Rabi model,” na ginamit sa Mumbai, kung saan ay magbabahay-bahay sila para matukoy ang lahat ng taong nagpapakit­a ng sintomas ng virus, susuriin at ia-isolate ang mga ito, gayundin ang kanilang mga naging close contact.

Sinabi rin ni Vergeire na natukoy na nila ang mga “priority barangays” sa Metro Manila at sa Calabarzon na kanilang bibisitahi­n sa susunod na dalawang linggo.

“We will not wait for them to come to the system. We will find them,” ani Vergeire.

Aniya pa, hindi sila gagamit ng rapid testing kit sa kanilang pagsusuri sa mga symptomati­c patients.

Dagdag pa ni Vergeire, inaasahan nilang matapos ang 14-araw na MECQ ay magkakaroo­n na ng mataas na awareness at compliance sa minimum health standards ang mga mamamayan, lahat ng mga mahihirap na komunidad ay magkakaroo­n na ng face masks at face shield at lahat ng mga lugar sa mga komunidad na madalas na maraming tao, gaya ng mga pamilihan, terminal, simbahan, paaralan at iba pa, ay magkakaroo­n ng physical distancing cues.

Ang 100% ng mga tahanan ay dapat na naisalalim na rin aniya sa symptom check at 100% ng mga may sintomas ng virus at kanilang mga contacts ay naisailali­m na sa swab testing.

Inaasahang wala na ring naka-home quarantine na suspect, probable at confirmed cases at maging kanilang mga contacts.

Inaasahan rin ng DOH na matapos ang pag-iral ng MECQ, ang 100% ng mga taong nangangail­angang i-admit at i-isolate ay matagumpay nang nai-refer sa mga health at quarantine facilities, 100% ng mga admitted patients ay ‘zero out-of-pocket,’ at 100% ng clusters ay natukoy na, nakontrol at naihiwalay.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines