Balita

Kris, aminadong pro-divorce

- Ni NITZ MIRALLES Kris

MAGIGING controvers­ial na naman nito si Kris Aquino dahil sa pahayag na hindi siya sang-ayon sa teaching ng Catholic Church tungkol sa divorce.

Kung tatanungin si Kris, pro-divorce siya at payag magkaroon ng divorce sa Pilipinas, ito ay kung magiging Presidente siya ng kahit isang araw lang. Inalala nito ang pinagdaana­n sa annulment process nila ng ex-husband na si James Yap. Ang descriptio­n nga ni Kris sa hirap na kanyang pinagdaana­n ay “terrible experience” na ayaw niyang maranasan ng ibang tao.

“I’m sorry, Catholic Church, please don’t get mad at me. For one day, I want to be President-on the day na ira-ratify na magkakaroo­n ng divorce sa Philippine­s, para pirmahan. My reason is simple, because you wouldn’t be annulled in the church. Your church marriage, it’s a different process, but I believe that going through an annulment is a very difficult process, and it’s expensive. I believe that women and men should have equal rights about this.

“I apologize sa mga LGBT, kasi, alam kong malayong-malayo pa ang kailangan nating lakbayin bago magkaroon ng same-sex marriage. Pero ang divorce... sa sagot kong ‘yan, ha, alam niyo na! Hindi ako tatakbo for anything in 2022! Pero ayoko nang pagdaanan ever again o ng kahit sino man, ‘yung proseso ng pagpapaann­ul. Kasi, puwede naman talaga ang divorce. And separation naman ‘yan, eh, of church and state,” pahayag ni Kris mula sa video ng Cornerston­e Management na management company ni Kris.

Anyway, sa August 15, 5pm., na ang premiere ng talk show ni Kris sa TV5 na Love Life with Kris. Si Gab Valenciano ang director ng talk show na pagbabalik ni Kris sa telebisyon.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines