Balita

May tungkuling dapat gampanan ang bawat isa

-

NGAYON na ibinalik ang Metro Manila at Calabarzon sa istatus na Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), ang ikalawang pinakamahi­gpit na restriksyo­n ng pamahalaan ngayong pandemya, kailangang bumalik ng mga tao sa panahong inaasahan silang mananatili sa kanilang mga bahay, maliban na lamang sa mga kailangang sitwasyon tulad ng pagbili ng pagkain.

Hanggang limang tao lamang ang pinapayaga­n para sa pagtitipon. Tigil din ang lahat ng pampubliko­ng transporta­syon—walang MRT, bus o jeepney, bawal rin ang interislan­d na biyahe, walang domestic flights. Habang hinikayat naman ang pagbibisik­leta. Ilang negosyo at industriya ang pinapayaga­n pa ring magpatuloy ang operasyon ngunit hindi dapat hihigit sa 50 porsiyento ng mga empleyado ang nasa opisina, ang iba ay kailangang mag-work from home.

Maraming negosyo na kabubukas pa lamang ang napilitan uling magsara, ayon sa Department of Trade and Industry. Kabilang dito ang mga dine-in restaurant­s, barber shops, salons at gyms, Internet cafe, at ilang sikat na pasyalan ng mga turista tulad ng beaches at mga resorts. Hindi na muling pinapayaga­ng lumabas ng kanilang mga bahay ang mga taong nasa 21 pababa at 60 pataas ang edad, kasama ang may mahinang resistensi­ya, may ibang karamdaman, at mga buntis.

Mas malala pa ito sana. Nanawagan ang mga hospital workers ng bansa—ang mga doktor, nurse, med techs at iba pang frontliner­s—na ibalik ang orihinal na Enhanced Community Quarantine (ECQ) – upang mabigyan, anila sila, ng “time-out” dahil “[they were already] burnt out with seemingly endless numbers of patients trooping to our hospitals for emergency care and admission.”

Sa halip, nagdesisyo­n naman si Pangulong Duterte na ibalik ang Modified ECQ (MECQ) – isang pagtugon sa hiling ng mga frontliner­s at ang realidad na hindi na kakayanin pa ng bansa na ihinto ang lahat ng mga negosyo at aktibidad sa mga opisina. At hindi na rin kakayanin ng pamahalaan na mamahagi ng tulongpina­nsiyal sa mga taong nawalan ng trabaho at kita.

Dapat na makatulong ang pagbabalik sa MECQ upang mapababa ang bilang ng mga kasong nangangail­angan ng admisyon sa mga ospital. Makatulong sana ito upang mapagaan ang bigat ng tungkuling ginagampan­an ng mga doktor, nurse, at iba pang manggagawa sa mga ospital. Nawa’y makita natin ang pagbaba ng kaso ng COVID-19 sa muling paghihigpi­t ng pamahalaan sa galaw ng mga tao.

Ngunit ang mga pabrika at iba pang negosyo na pinayagan nang parsiyal na magbukas ay magpapatul­oy ang operasyon. Sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na inaasahan niyang magiging limitado lamang ang epekto ng pagbabagon­g ito sa ekonomiya.

“Each individual has a role to play in mitigating the adverse effect of the crisis on the loss of lives, jobs, and livelihood­s,”aniya. Sa pagkokonsi­dera sa kanyang pinagtutuu­nang larangan bilang pinuno ng Bangko Sentral ng Pilipinas, iniisip niya siguro ang pangunahin­g magagawa ng bawat isa para makabangon ang ekonomiya ng bansa mula sa paghihirap at mga restriksyo­ng ipinatupad sa nakalipas na limang buwan.

Dapat isapuso ng bawat isa ang pahayag na ito ni Diokno sa pagharap sa pandemya, at hindi lamang sa negatibong epekto nito sa ekonomiya. Patuloy na kumakalat ang COVID-19 dahil hindi nasusunod ng mga tao ang pangunahin­g health protocols. Ilan ang patuloy pa ring nagtitipon tulad ng dati, patuloy sa kanilang nakasanaya­ng aktibidad kasama ng iba, na binabalewa­la ang panuntunan­g pagsusuot ng face mask, pagpapanat­ili ng tamang espasyo o layo at palagiang paghuhugas ng kamay. Sila ang dumadagdag sa lumalagong bilang ng impeksyon at pagkamatay sa bansa ngayon.

“Each individual has a role to play,” paalala ni Governor Diokno. Sa puntong matanggap ng bawat isa sa atin ang tungkuling ito, mapipigil natin ang patuloy na pagtaas ng tala ng kaso ng Department of Health, mababawasa­n natin ang bigat na dalahin ng mga frontliner­s, at mawawala na ang problema ng COVID-19 sa ating bansa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines