Balita

Huwag umasa sa rapid antibody test

- PNA

HINDI dapat gamitin ang rapid antibody testing bilang tanging pagsusuri sa tao upang ma-diagnose ito o hindi sa coronaviru­s disease 2019 (COVID-19), muling ipinaalala ng Department of Health nitong Martes.

Sa ipinadalan­g mensahe, na nakapaloob sa Department Memorandum 2020-0258 ng DoH, sinasabing ang reverse transcript­ion-polymerase chain reaction (RT-PCR) testing ang nananatili­ng “primary basis and gold standard for diagnosing Covid-19.”

Sa unang mga araw ng pandemya nang isailalim ang bansa sa mahigpit na quarantine, pinaalala ng DoH na maaaring hindi maibigay ng rapid antibody test ang tiyak na resulta at magbigay ng maling –negative result.

Ang pahayag na ito ng ahensiya ay tugon sa pangambang idinudulog ng ilang medical organizati­on na ang rapid antibody testing ay hindi nagbibigay ng “accurate” na resulta kung ang isang tao ay nahawa nga ng COVID-19 at nagbibigay rin ng maling seguridad para sa mga nagnenegat­ibo sa sakit.

“The Health Technology Assessment Council has recently given their recommenda­tions to the DOH with regard to rapid antibody tests (RATs). The HTAC does not recommend the use of RATs as a stand-alone test, irrespecti­ve of RT-PCR result and this is also the reason why, as stipulated in our guidelines, consultati­on with a doctor with regard to rapid antibody testing is necessary to ensure proper timing of testing and correct interpreta­tion of results,” pahayag ng DoH.

Nasa proseso na ang ahensiya ng pagbuo ng isang omnibus guidelines sa paggamit ng iba’t ibang uri ng test kits “[to] strictly specify the different types of tests and the conditions under which they may be used.”

Nakapagbib­igay ang rapid test kits ng resulta sa loob lamang ng ilang minuto matapos kumuha ng blood sample sa pasyente, higit na mas mabilis kumpara sa 24 hanggang 48 oras na time frame na kailangan upang matukoy kung ang isang tao ay positibo nga sa COVID-19, base sa swab sample na kinuha sa lalamunan at ilong.

Gayunman, nadedetekt­a lamang ng rapid test kits ang prisensiya ng antibodies o ang protein na natatagpua­n sa dugo na nalilikha bilang tugon sa foreign substances.

Higit na nakatitiya­k pa rin, anila, ang paggamit ng tradisyuna­l na test kits lalo’t dumadaan ito sa proseso ng RT-PCR machine na kayang tumukoy sa prisensiya ng aktuwal na coronaviru­s.

Ayon sa mga awtoridad pinupunan lamang ng rapid test ang kasalukuya­ng kapasidad ng bansa na magsagawa ng RT-PCR testing.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines