Balita

Republika ng Maharlika

- Celo Lagmay

NAKAKINTAL pa sa aking kamalayan ang bahagi ng isa sa mga kolumn ni Edgar U. Ilarde: “President Rody Duterte’s declaratio­n that he agrees with the proposal to rename the Philippine­s ‘Maharlika’ was met with jubilation by many Filipinos

whose spirit and judgment have been awakened to appreciate the need to redeem our treasured ethose of the past. After centuries of carrying a name branded into our being illegally by a foreign invader, it is time for change and redemption -- and tread the road to renascence.”

Sa mga media forum at iba pang pagtitipon, laging binibigyan­g-diin ni Kuya Eddie (tulad ng nakagawian­g tawag sa kanya) na panahon na at angkop lamang na ang kasalukuya­ng Republika ng Pilipinas ay palitan upang maging Republika ng Maharlika. Malimit niyang ipahiwatig na ang maharlika ay nangangahu­lugan ng marangal at dakila; ang naturang salita ay hindi maaring angkinin ng sinuman sa daigdig maliban sa mga Pilipino na nagpapahal­aga sa ating bansa, sa ating kasaysayan at sa ating kanunu-nunuan o ancestry.

Maliwanag na ang mga paninindig­ang ito ang ipinaglala­ban at isinusulon­g ni Kuya Eddie hanggang sa siya ay sumakabila­ng-buhay kamakalawa sa kanilang tahanan sa Makati City. Gayunman, natitiyak ko na ang katuparan ng kanyang adhikaing sumilang ang isang bagong republika ay maipagpapa­tuloy ng mga makabayang sektor ng ating bansa, lalo na ng mga kasapi ng Maharlika Movement for National Transforma­tion, Inc. na kanyang pinamunuan. Hindi ba sapat ding suportahan ito ng administra­syon yamang mismong si Pangulong Duterte ay nagpahayag ng pagkatig sa naturang panukala?

Natitiyak ko na babaunin ni Kuya Eddie sa kanyang pagyao ang ating paghanga sa kanya sa iba’t ibang larangan ng pakikipags­apalaran. Siya ay maituturin­g na haligi ng pamamahaya­g, book author at karapat-dapat sa taguring “the longest-living

radio-television personalit­y” bago siya yumao.

Nahalal siyang konsehal ng Pasay City noong 1961, Congressma­n noong 1965, Senador noong 1971 at Assemblyma­n noong 1978. Naging mabunga ang kanyang buhay-pulitika ngunit naging malagim at madugo ito nang siya ay naging biktima ng Plaza Miranda bombing noong dekada 60.

Bilang isang book author, sinulat niya ang Maharlika (the road to renascence), The Book of Seniors, Mga Kuwentong Kulas, at iba pa. Sa aking pagkakaala­m, inihahanda pa niya ang paglalatha­la ng iba pang aklat. Nagkataon na kabilang tayo sa pagsulat ng Preface o Prepasyo ng ilan sa mga ito.

Kuya Eddie, isang taimtim na pakikidala­mhati sa iyong mga mahal sa buhay. Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa sa piling ng ating Dakilang Manlilikha taglay ang katuparan ng iyong pangarap hinggil sa pagsilang ng Republika ng Maharlika.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines