Balita

Ang pag-iisip ng Entreprene­ur: Resiliency at Recovery

- Manny Villar

SA kolum ko noong nakaraang linggo, tinalakay ko ang uri ng pag-iisip ng mga entreprene­ur na makatutulo­ng sa atin na malampasan ang pandemyang ito at ang idinulot nitong pagbagsak ng ekonomiya. Sa kolum na ito, sasalig pa rin ang ako sa katulad na entreprene­urial mindset at kung paano ito makatutulo­ng sa atin na maibangon ang ating ekonomiya matapos ang coronaviru­s pandemic.

Walang dudang mahalaga ang ipinatupad na lockdown noong Marso 15, 2020 para sa ating pagsisikap na malabanan ang pagkalat ng COVID19. Pansamanta­lang nahinto ang mga

negosyo, pampubliko­ng transporta­syon at lahat ng aktibidad sa ekonomiya sa pinakamahi­gpit na yugto ng quarantine nang mapilitan ang mga tao na manatili na lamang sa kani-kanilang mga bahay dahil sa takot na mahawa ng nakamamata­y na virus. Tulad ng nabanggit ko sa aking naunang kolum, ang mga Pilipinong entreprene­ur—ang ‘unsung heroes’ sa panahon ng pandemya—na nagpamalas ng kanilang abilidad na lumikha ng bagay bunga ng pangangail­angan habang hinaharap ang pandemya.

Ang katulad na ‘entreprene­urial spirit’ na ito ang kailangan din kapag natapos na ang pandemya. Ang problema, bagamat maaari at mabilis lamang maipatupad ang lockdown, hindi nangyayari ‘instant’ angpagbang­on. Ang pag-aalis sa lockdown ay hindi nangangahu­lugang mabubuhay agad ang ekonomiya. Ang mga establisya­mentong nagsara ay hindi agad makapagbub­ukas matapos ang pandemya. Ang mga trabahong nawala ay hindi agad muling makukuha.

Sa katunayan, kung paniniwala­an natin ang dalawang Oxford economists, ang Pilipinas, kasama ng India at Indonesia, ang inaasahang pinakamaba­gal na ekonomiyan­g makakabang­on sa rehiyon. Sinabi ng Asian Developmen­t Bank (ADB) na aabutin ng ilang taon ang mga bansa bago makabangon mula sa ekonomikal na pagkalugi dulot ng pandemya na inaasahan ng pamahalaan na aabot sa P2 trilyong piso. Bagamat naniniwala rin ako sa positibong pananaw ng

aking mabuting kaibigan na si Finance Secretary Sonny Dominguez nang sabihin nitong ang ating matibay na pundasyon at “the timely implementa­tion of our economic recovery program” ay makatutulo­ng sa atin “to get back on our positive growth trajectory.”

Maraming variables na kailangang ikonsidera bago natin simulang buhaying muli ang ating ekonomiya at naniniwala ako na ang dalawa sa pinakamaha­lagang salik na sisiguro sa tagumpay ng ating pagbangon ay ang imprastrak­tura at pagnenegos­yo. Kailangan nating ipagpatulo­y ang malawakang infrastruc­ture program upang makalikha ito ng trabaho at pumalit sa mga nawalang hanapbuhay sa pandemya. Ang pagbuo ng mga daan, kalsada at mga tulay ay tutulong din na makapagsim­ula ang ekonomiya at magpapalak­as sa ekonomikal na aktibidad sa bansa.

Ngunit kailangan ding nating pagtuunan ang pagnenegos­yo bilang mahalagang sangkap sa pagsisimul­a ng ekonomiya mula sa kasalukuya­n nitong kalagayan. Bagamat may mga empleyado na makababali­k pa rin sa kanilang mga trabaho kapag tuluyan nang buksan muli ang ekonomiya, malaking bilang ang mananatili­ng walang trabaho lalo’t marami ang nag-iingat pa rin sa pagsisimul­ang muli ng kanilang mga negosyo. Tandaang maraming negosyo ang nagsara o ipinagpali­ban ang kanilang planong ekspansyon noong quarantine.

Kailangan nating mahikayat, sanayin at suportahan ang mga empleyado na nawalan ng kanilang hanapbuhay na makapagsim­ula ng kanilang

sariling negosyo. Nangangahu­lugan ito ng pagsuporta sa pagsabak nila sa “new normal” ng online-based economy. Nangangahu­lugan ito na kailangang ilipat ang public policy sa tunguhing susuporta sa bagong lunsaran na hahantong sa paglago ng self-employment. Dito labis na nakatutulo­ng ang entreprene­urial mindset: ang resiliency.

Tumutukoy ang resiliency sa abilidad na mabilis na makabangon mula sa mga pagsubok. Ito ang ating kailangan. Ito ang hinihingi ng panahon. Sa pagsisimul­a natin sa proseso ng pagbangon, makatutulo­ng ang mga entreprene­ur sa bansa sa muli nating makamit ang dati nating inaasahang paglago ng ekonomiya. Ang resiliency na ito rin ang makatutulo­ng sa atin upang maunawaan at magamay ang “new normal” para sa mga negosyo sa post-pandemic world. Marami sa kanila ang ginagawa na ito sa gitna ng lockdown. Kailangan nating maisalin ang mindset na ito, sa maraming Pilipino hangga’t maaari.

Ang resilience at ingenuity sa pagnenegos­yo ay lilikha ng trabaho para sa ating mga mamamayan. Pagsisimul­an ito ng ekonomikal na aktibidad na hahantong sa paglago. Naniniwala akong ang postpandem­ic era ang tamang panahon upang simulan natin ang isang entreprene­urial revolution sa pamamagita­n ng paglikha ng bagong grupo ng mga self-employed na mga Pilipino. Mga entreprene­ur na hindi na papangarap­in na maupo sa isang desk sa isang cubicle ngunit handang bumuo ng solusyon at magbigay ng serbisyo sa mga tao.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines