Balita

Talentadon­g Pinoy, mas siksik sa pagbabalik

- Ni REGGEE BONOAN

HINDI na babalik ang dating Vice President at Head ng Entertainm­ent Department ng TV5 na si Perci M. Intalan dahil mas gusto na lang niyang maging consultant ng network.

Sa panahong namayagpag ang Kapatid Network ay si Perci ang may hawak ng Entertainm­ent department tulad ng mga programang Talentadon­g Pinoy, Juicy, Paparazzi, Game n Go, Pinoy Explorer, Philippine Idol, at marami pang iba.

Pero nu’ng lisanin niya ito para magtayo ng sariling kumpanya kasama ang partner niyang si Direk Jun Robles Lana, ang IdeaFirst Company para gumawa ng mga pelikula at the same time ay makapag-direk na rin na isa sa passion niya ay unti-unting bumagsak ang entertainm­ent sa TV5 hanggang tuluyang magsara na ang tanging napapanood na lang ay news at sports.

At ngayong nagbabalik ang entertainm­ent ng Kapatid network ay tinanong namin na baka puwedeng siya ulit ang umupo sa entertainm­ent department, pero tumanggi na siya.

“Ha ha ha give chance to others na ako, consultant lang talaga,” pakli ni PMI (tawag namin sa kanya).

Naka-chat namin si Direk Perci nitong Martes ng gabi at nabanggit nga niyang masaya siya sa muling pagbabalik ng entertainm­ent sa TV5 sa pamamahala ng bagong presidente­ng si Mr. Robert P. Galang.

“I think magugustuh­an n’yo (media) siya, simple at down to earth, dating head ng Sales ng Cignal,” sabi ni PMI.

Sa tanong namin kung kumpleto na ang line-up ng entertainm­ent shows ng TV5.

“Hindi pa, alam mo naman ang free to air, never naman saradong-sarado lahat. Laging may nababago sa plano o nadadagdag. Actually, du’n rin ako nakakatulo­ng sa kanila kasi sanay na ako sa mga last minute changes ng TV. Pero at least marami-rami nang nasa plano,” paliwanag ng consultant ng TV5.

Ang mga game show ng APT Entertainm­ent na Fill in The Bank at Bawal na Game Show ay line producer ang Cignal.

Ang Bangon Talentadon­g Pinoy na iho-host ni Ryan Agoncillo ay co-produce ng TV5 at ng IdeaFirst Company. Matatandaa­ng si Ryan ang unang host ng Talentadon­g Pinoy noong 2007.

“Akala mo MMK o Magpakaila­nman (peg) ha ha. Kasi binago namin ang format. Mas masaya pa siya. Pero ang hirap rin gawin,”pakli ni PMI.

Sa kada season ay aabutin ng 13 episodes, pero ang pagkakaiba raw ng Bagong Talentadon­g Pinoy.

“Kasi ‘di ba defending champion ang format ever since? Kaya designed siya na mag tuloy tuloy lang. Mas siksik pa sa contestant­s now,” sabi pa.

At ang maganda sa bagong format ng BTP para sa new normal taping ay hindi na pupunta sa studio para pumila sa gitna ng init ng araw na may face mask at face shield.

Ang kuwento ni Perci, “Sa house lang lahat! Total social distancing he he. ‘Yung natutunan namin sa Gameboys (shoot at home), in-apply namin dito sa Bangon Talentadon­g Pinoy. Si Ryan at judges sa house lang rin. Pati sina Direk sa house rin.”

Parang ang hirap yatang i-shoot ‘yun dahil kanya-kanyang pakita ng talent sa kani-kanilang bahay.

“Soooobrang hirap actually. Pero worth it. Kasi now pwede kaming magkaconte­stants kahit pa sa ibang bansa.

“Ang judges namin sina John Arcilla, Janice de Belen at Joross Gamboa. Bago na ang mundo kaya bago na rin ang atake ng mga Pinoy. At yun ang ipinapakit­a namin sa Bangon Talentadon­g Pinoy,” kuwento pa.

Bukod sa wala ng gastos ang mga contestant na pamasahe dahil sa bahay na lang sila magpapakit­a ng kanilang talent ay kikita pa sila.

“Yes! Once pinakita ka sa show, automatic 2K. Then pag pasok ka sa Top 4 may 10K bawat isa. Then ‘yung isang winner for the week ay may 50K,” masayang sabi pa ni Perci.

Dagdag pa, “yung weekly winner pwedeng i-defend ang title for 5 weeks, so aabot siya ng 250K pag ganun.

Hirit namin na magki-click ito dahil nakakatulo­ng sa bawa’t sasalit sa Bangon Talentadon­g Pinoy lalo na sa panahon ng pandemya.

“Naku sana. Sana maulit yung magic nu’ng dati. Ang hirap rin kasi ngayong sabihin kung ano gusto ng tao. Pero once thing is for sure, pinaghihir­apan naming gumawa ng bago. Sabi ko nga if hindi mag work, at least hindi lang kami basta nakampante sa pag ulit ng nagawa na,” pagtatapos ni Perci.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines