Balita

Andrea, mas gusto ang intimate wedding

- Ni ADOR V. SALUTA

Sa isang interview ng DZRH nitong Sunday kay Derek Ramsay, nagkataong nasa bahay niya ang girlfriend nito na si Andrea Torres.

Bagong lipat ang aktor sa kanyang bagong bahay sa Ayala, Alabang.

During the interview very vocal si Derek sa pagsasabin­g si Andrea na nga ang babaeng gusto niyang pakasalan.

At isa sa mga hinahangaa­n niya sa aktres ay ang pagiging malapit nito sa pamilya.

“Talagang priority ni Andrea yung family niya, just like me. And the thing that made me fall in love with her is how she takes care of her family.

“Nung ipinakilal­a namin ang parents namin sa isa’t isa… kami na nga ni Andrea ang naghihiwal­ay sa kanila.

“Kapag nag-uusap sila, sabi ni Andrea, ‘Ma, Pa, kailangan na natin umuwi,” kuwento ni Derek.

“Para sa akin, wala lang stress na isipin pa yun na kailangang tanggapin ng pamilya ko, kailangang tanggapin ng pamilya niya.

“Nalagpasan na namin yun sa umpisa pa lang ng relationsh­ip namin, wala lang stress na kailangang magkasundo ang pamilya namin.

“We share the same values. And I can see na she could be a great mother, and yun talaga ang gusto ko sa maipapanga­sawa ko na kailangang mabuting ina siya.

“No doubt ako na she will be a great mother,” confident na sagot ni Derek.

Napapag-usapan na ba nila ang kasal?

Hindi pa raw siya nakapagpro­pose kay Andrea, pero gusto nila pareho na isang simpleng seremonya, at maaaring beach wedding ito.

“Not so big, very intimate. Gusto ko, outdoors.

“Baka nga sa Palawan, gawin ko sa Palawan. Pero depende yun sa gusto niya. Siyempre, siya ang masusunod,” ani Derek.

“Simple lang. Yung imbitado, piling-pili lang, yung kilala kami bilang couple,”sagot ni Andrea.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines