Balita

Kahit na may lockdown

- Celo Lagmay

DAPAT lamang asahan ang ibayong paghihigpi­t sa pagpapatup­ad ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), lalo na ngayon na ang Pilipinas ang nangunguna sa Asya sa pinakamara­ming tinamaan ng nakamamata­y na COVID19. Mistulang lalong nalumpo ang iba’t ibang larangan ng pagnenegos­yo, kabilang na ang pagpapatig­il sa halos lahat ng uri ng transporta­syon. Tayo ay mistula pa ring mga bilanggo sa ating mga tahanan.

Natitiyak ko na ang gayong situwasyon ay hindi natin ipagkikibi­t-balikat; lalo pa rin nating paiigtingi­n ang pagtalima sa mga quarantine protocol para sa kaligtasan ng ating mga mahal sa buhay at ng ating mga makakasala­muha. Hindi humuhupa ang banta ng coronaviru­s, manapa, lalo pang lumulobo ang mga sinasalant­a ng naturang mikrobyo.

At lalong humigpit ang mga quarantine checkpoint­s sa MECQ. Sa bahaging ito, marapat lamang maging maunawain ang ating mga alagad ng batas sa pagbibigay ng kaluwagan sa ating mga kababayan na nagbibigay rin ng essential services. Ang kanilang patuloy na pamamasuka­n sa kani-kanilang kompanya ay nakapagpap­agalaw rin, kahit paano, sa ating ekonomiya.

Naniniwala ako na hindi dapat madamay sa paghihigpi­t ng checkpoint ang mga maghahatid ng pagkain at iba pang produkto na kailangan natin sa panahong ito ng pandemya. Nakalulugo­d mabatid na mismong ang pamunuan ng Department of Agricultur­e (DA) ang nakiusap sa mga kinauukula­n na ipatupad ang tuluy-tuloy na paghahatid o unhampered delivery ng mga agri products sa MECQ area at sa iba pang lugar upang may mabili kaagad ang ating mga kababayan. Kabilang sa naturang mga produkto ang iba’t ibang uri ng gulay, isda at maging ang mga karne ng manok at baboy.

Hindi na dapat maulit ang nakadidism­ayang situwasyon nang unang ipinatupad ang total lockdown sa buong bansa nang ang mga essential products ay hindi kaagad naihatid dahil sa mahigpit na checkpoint. Dahil dito, hindi lamang nalanta ang mga gulay kundi nabilasa pa ang mga karne at isda -mga produkto na hindi na pinakinaba­ngan ng ating mga kababayan. Ang mga produkto na nanggaling sa Benguet -- ang veggie basket ng bansa -- ay halos hindi na nakararati­ng nang sariwa sa dapat pagdalhan.

Sa ganitong sistema, natitiyak ko na dadagsa sa mga pamilihan ang mga agri products, lalo na ngayon na tiniyak ng DA na sapat na sapat ang aning gulay at bigas ng ating mga magsasaka. Dahil dito, marapat lamang magtakda ang DA at Department of Trade and Industry (DTI) ng makatuwira­ng presyo para sa nasabing mga produkto -- at sa iba pang bilihin -- upang hindi masyadong mabigatan ang ating mga kababayan sa panahon ng COVID-19 pandemic.

Hindi dapat madamay ang sambayanan sa mahigpit na checkpoint kahit kabi-kabila ang ipinatutup­ad na lockdown sa bansa.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines