Balita

Sam kay Catriona: She’s the one

- Reggee Bonoan

SAMPUNG taon ang agwat ng edad nina Sam Milby at 2018 Miss Universe

Catriona Gray kaya kahit nasa marrying age na ang aktor ay hindi pa rin niya mayaya ang kanyang girlfriend dahil kasisimula palang ng career niya.

‘’Siyempre may difference ang edad namin, so, ako I’m 36 and she is 26 and kaka-start pa lang ng career niya so, it’s early (to tell) naman,’’ say ng binata.

Pero sinigurado naman ni Samuel Lloyd (tunay niyang pangalan) na si Catriona na ang magiging Miss Universe sa buong buhay na.

‘’I do believe She’s the One, ‘’ pagsisigur­o ng aktor.

Naka-tsikahan si Sam sa ginanap na virtual mediacon ng bagong digital series na Ang Iyo Ay Sa Akin na mapapanood na sa Agosto 17 pagkatapos ng FPJ’s

Ang Probinsyan­o sa Kapamilya Online Live at YouTube handog ng JRB Creative Production­s at sina Avel Sunpongco at

FM Reyes ang mga direktor. Samantala, kamakailan lang ay viral ang mga post messages ng ex-boyfriend ni Catriona na si Clint Bondad na nagpapahiw­atig na gusto nitong ipaalala na nauna siya sa dalaga kaysa kay Sam.

Kaya hindi naiwasang hindi tanungin ang katipan ni Catriona kung sakaling may mang–agaw at magsabi sa kanya na, ‘the girl is mine’ hango sa awitin ni Michael Jackson.

Napangiti muna si Sam at sabay sabing, ‘’Kung akin talaga, ipaglalaba­n ko, if she’s really, I’ll fight for it!”

Anyway, gagampanan ni Sam ang karakter na Gabriel Villarosa sa Ang

Sa Iyo Ay Akin na pag-aagawan nina Marissa (Jodi Sta. Maria) at Ellice (Iza Calzado). Hindi lang namin naitanong kung nangyari na ito sa tunay na buhay sa aktor.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines