Balita

Pagbagsak ng emisyon dahil sa lockdown wala ring saysay

-

Balewala ang hindi pa naganap dati na pagbagsak sa mga emisyon ng greenhouse gas bunga ng mga lockdown sa panahon ng pandemya upang mapabaga ang pagbabago ng klima kung wala namang pangmataga­lang paglipat mula sa fossil fuels, sinabi ng isang internatio­nal team ng mga mananaliks­ik nitong Biyernes.

Ang mga emisyon sa daigdig mula sa pagkasunog ng karbon, langis at gas ay maaaring bumagsak hanggang walong porsyento ngayong 2020 kasunod ng mga hakbang ng mga gobyerno na ikulong ang bilyun-bilyong tao sa kanilang mga tahanan sa hangarin na mapabagal ang pagkalat ng COVID-19.

Ngunit ang kawalan ng isang sistematik­ong pagbabago sa kung paano ang world powers at pinapakain ang sarili, nagbabala ang mga eksperto sa pag-aaral nitong Biyernes na ang mga natipid na emisyon sa panahon ng lockdoen ay mawawalan din ng saysay.

Gamit ang open source data, kinakalkul­a ng grupo kung paano nagbago ang mga antas ng 10 iba’t ibang mga gas ng greenhouse at mga pollutant ng hangin sa mahigit 120 mga bansa mula Pebrero hanggang Hunyo ng taong ito.

Natuklasan nila na ang polusyon tulad ng carbon dioxide at nitrogen oxides ay bumaba sa panahong ito sa pagitan ng 10 at 30 porsyento.

Gayunman, dahil ang “massive behavioura­l shifts” sa panahon ng lockdown ay pansamanta­la lamang, ang mas mababang mga emisyon sa taong ito ay malamang na hindi maimpluwen­syahan ang klima.

Kahit na ipagpalaga­y na magpapatul­oy ang mga paghihigpi­t hanggang sa katapusan ng 2021, napagtanto ng grupo na ito ay magtitipid lamang ng 0.01 C ng pag-init sa 2030.

“Lockdown showed that we can change and change fast, but it also showed the limits of behaviour change,” sinabi ni Piers Forster, study co-author at director ng Priestley Internatio­nal Centre for Climate at Britain’s University of Leeds.

“Without underlying structural change we won’t make it,” aniya.

Sa 2015 Paris climate deal ay nangako ang mga bansa limitahan ang pagtaas temperatur­a sa “well below” two degrees Celsius (3.6 Fahrenheit) sa itaas ng mga antas ng pang-industriya sa pamamagita­n ng malawakang pagbawas sa emisyon.

Nagtatakda rin ito ng isang mas ligtas na layunin ng 1.5 C cap.

Sinabi ng United Nations na upang mapanatili ang 1.5 C ang pandaigdig­ang emisyon ay dapat mahulog ng 7.6 porsiyento taun-taon sa dekada na ito.

“If I’m brutally honest, the world is unlikely to decarbonis­e at the rates required for 1.5 C, but getting anywhere close will make our children’s future better,” aniya.

Ang pag-aaral, na inilathala sa Nature Climate Change, ay nag-modelo rin ng mga pagpipilia­n para sa pagbawi pagkatapos ng lockdown na sinabi ng mga may-akda ay nagpakita ng isang natatangin­g pagkakatao­n para sa pagbabago sa istruktura sa pandaigdig­ang ekonomiya.

Kasama sa mga pagpipilia­n para sa mga tagagawa ng patakaran ang pagbaba ng polusyon sa trapiko sa pamamagita­n ng pag-prioritize sa mga pampubliko­ng transporta­syon at cycle lanes.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines