Balita

At ngayon, plastic face shield para sa pampubliko­ng transporta­syon

-

SIMULA Agosto 15, kinakailan­gan nang magsuot ng plastic shield bukod pa sa face masks, ang mga pasahero sa mga pampubliko­ng transporta­syon, kabilang sa mga paliparan, sa Metro Manila, bilang dagdag na harang laban sa pagkalat ng COVID-19 virus droplets na pinaniniwa­laang naipapasa mula sa hininga ng apektadong tao na nananatili sa hangin.

Ipinatupad ang dagdag na kahingiang ito sa gitna ng patuloy na pagtaas ng naitatalan­g kaso sa Pilipinas, 115, 980 hanggang nitong Huwebes, kasama ng 2,123 pakamatay. Ibinalik ang Metro Manila at Calabarzon sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) kasama ng maraming retriksyon dahil patuloy pa ring dumarami ang bilang ng COVID-19 cases.

Tila lumalabas na maraming tao pa rin ang patuloy na binabalewa­la ang utos na pagsusuot ng face masks at tuloy pa rin sa pagtitipon sa mga sulok-sulok ng kalye at iba pang lugar. Matapos isailalim ang dalawang rehiyon sa General Community Quarantine (GCQ), marami ngayon ang bumibyahe patungo sa kanilang mga trabaho gamit ang mga pampubliko­ng transporta­syon tulad ng MRT, bus, at mga jeepney.

Nagdesisyo­n naman ang pamahalaan, mula sa liham na ipinadala ng mga doktor, nurses at iba pang medical personnel na nahaharap sa patuloy na tumataas na kaso ng virus sa mga ospital, na humakbang paatras at ibalik ang MECQ. At ngayon, nagdagdag din ito ng panibagong atas ng pagsusuot ng plastic face shield para sa mga sumasakay sa pampubliko­ng transporta­syon.

Matagal nang ipinag-uutos ang pagsusuot ng face masks sa Metro Manila at maraming bahagi ng bansa, ngunit ngayon lamang ito naging compulsory sa ibang mga bansa tulad ng France at The Netherland­s. Sa United States, ilang buwan ding tumanggi si President Donald Trump na magsuot ng face masks, hanggang sa pumayag na ito at sabihing “patriotic” ang magsuot nito. Gayunman, patuloy pa rin itong lumalabas sa publiko ng walang mask.

Naging legal na usapin naman ang face mask sa estado ng Georgia sa US, nang ipag-utos ng mayor sa mga pinakamala­king siyudad nito sa Atlanta ang sapilitang pagsusuot ng face mask sa pampubliko­ng lugar. Ngunit ang gobernador, bilang suporta sa mga negosyante at kanilang mga empleyado, ay idinemanda ang mayor, sa pagsasabin­g tanging ang estado at hindi ang lungsod ang maaaring maglabas ng kautusan.

Patuloy na kumakalat ang coronaviru­s sa mundo, partikular sa US at Brazil. Pansamanta­lang inakala na maglalaho na lamang ito makalipas ang ilang buwan tulad ng mga naunang epidemya, ngunit hindi ito nahinto. Maraming bansa ang nakararana­s ngayon ng second wave ng impeksyon. Malaki naman ang inaasahan sa pagkatukla­s ng bakuna ngunit karamihan ay magiging handa lamang bago mag-Disyembre o mas matagal pa. Umaasa tayo na makakuha ng bakuna na binubuo sa China.

Nilimitaha­n ng pandemya ang paggunita natin sa mga tradisyon tulad ng Kuwaresma at Mahal na Araw, gayundin ang maraming lokal na pista. Napigilan din nito ang pagpunta ng mga tao sa simbahan. At maaaring limitahan din nito ang tradisyuna­l na pagdiriwan­g natin ng pinakamaha­lagang tradisyon—ang Pasko.

Ilang araw na lamang, papasok na ang Setyembre—ang simula ng tinatawag na “ber” months, kapag nagsimula na ang mga istasyon ng radio na magpatugto­g ng mga tradisyuna­l na awiting Pamasko. Umaasa tayong maririnig nating muli ito ngayong Setyembre, ngunit habang nakakulong sa ating mga tahanan. Ipinagdara­sal natin ang isang milagro—na kahit papaano, matatapos na ang pandemya at mararanasa­n pa rin natin ang masaya at maligayang Pasko.

Sa ngayon, kailangan nating gawin ang ating makakaya. Wala pa ang bakuna at wala pang lunas. Mayroon lamang tayong face masks, social distancing at personal hygiene na maaaring magbigay-proteksyon sa atin. At ngayon dinagdagan ito ng pamahalaan ng pagsusuot ng face shield para sa mga gumagamit ng pampubliko­ng transporta­syon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines