Balita

Libu-libong Pinoy nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19

- Bert de Guzman

TALAGANG matindi ang pinsalang dulot ng coronaviru­s disease 2019 (COVID-19) sa ating bansa. Ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), may 141,958 ang nawalan ng trabaho dahil sa pananalasa ng pandemya sa taong ito. Karamihan sa nawalan ng pagkakakit­aan ay mula sa National Capital Region (NCR) o Metro Manila.

Mahigit palang 6,000 kompanya at establisim­yento ang napilitang magtanggal ng mga manggagawa mula noong Enero 2020 hanggang ngayon samantalan­g 630 ang tuluyang nagsara. Sa nagsarang mga kompanya, may 13,484 manggagawa ang apektado samantalan­g ang 6,163 kompanya na nagbawas ng workforce ay nagtanggal ng 128,478 empleyado.

Nabigla ang mundo sa biglang pagsulpot ng pambihiran­g virus na ito na nagmula sa Wuhan City, China. Mahigit na sa 18 milyon ang tinamaan ng COVID-19 sa daigdig at halos 700,000 ang namatay sanhi ng sakit.

Nangunguna ang United States sa dami ng mga infected ng virus na ito. Halos limang milyon na ang nagpositib­o samantalan­g umabot na sa 160,000 ang namatay. Sumusunod sa US ang Brazil, Spain, Italy, UK. Sa Pilipinas, kumikilos nang husto ang administra­syon ni Pres. Rodrigo Roa Duterte (PRRD), kasama ang Department of Health, IATF at iba pang departamen­to para masugpo ang COVID-19 pandemic na puminpinsa­la sa ekonomiya.

Mismong si PRRD ang umamin na kulang na ang pera o pondo na itutulong sa libu-libong Pinoy na nangawalan ng trabaho. Ang iba nga ay namamalimo­s na, tulad ng jeepney drivers. Ayon sa Pangulo, wala na siyang pera. Ang dalawa raw niyang bulsa ay butas na ang isa. Wala nang pera. Dahil dito, inirerekom­enda sa kanya ng economic managers na buksan ang ekonomiya, hayaang mag-operate ang mga negosyo upang magkapera ang pamahalaan.

Gayunman, hindi basta-basta puwedeng buksan ang ekonomiya at negosyo dahil kailangang balansehin ito sa aspekto ng kalusugan ng halos 110 milyong Pilipino. Maging ang mga grupo ng manggagamo­t, nurses, medical technologi­sts ay nagpahayag ng kanilang karaingan na kung maaari ay higpitan ng Pangulo ang comumunity quarantine bunsod ng paglobo ng mga pasyante na biktima ng COVID-19.

Dumaraing ang mga grupo ng doktor na pagod na sila. Kailangan din nila ang pahinga. Ang pagamutan ay punung-puno ng mga pasyente kung kaya kailangan ang “time-out” upang bukod sa sila’y makapagpah­inga, bababa rin ang bilang mga taong tatamaan ng pandemya kapag naghigpit uli sa paglabas sa mga lansangang­an, trabaho at restawran.

Kung paniniwala­an ang isang opisyal ng Philippine Health Insurance Corp (PhilHealth), ilang pinuno ng ahensiya ang “nagbulsa” ng umano’y P15 bilyon sa pamamagita­n ng anomalous transactio­ns. Ito ang inihayag ni Thorsson Montes Keith, na nag-resign bilang Anti-Fraud Legal Officer ng PhilHealth, sa pagdinig sa Senado noong Martes.

Sana ay matuklasan at matunton ng Senado at ng PACC na si Greco Belgica ay isang commission­er, ang kabulastug­an sa PhilHealth upang malaman ng publiko ang mga walanghiya­ng pinuno ng ahensiya na nagbubulsa ng bilyun-bilyong pisong pondo na talagang inilaan para sa mga pasyente.

Hindi ba noon ay malimit sabihin ni Mano Digong ang “Just a whiff of corruption”, sisibakin niya ang sino mang puno ng departamen­to, tanggapan, ahensiya at iba pa? Mr. President, hindi lang ito isang “whiff” kundi isang “storm” o malakas na hihip ng hangin ng katiwalian.

Nagtatanon­g ang mga mamamayan, maninibak ka ba o hindi mo ito aaksiyunan dahil ang mga taong involved, laluna ang pinakamata­as, ay iyong kaalyado?

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines