Balita

Unang digital series ng ABS-CBN, bigatin

- Ni REGGEE BONOAN Jodi, Maricel, Sam at Iza

KUNGnabigy­anngbagong­prangkisa ang ABS-CBN ay noong Marso pa sana ini-launch ang teleseryen­g Ang Sa Iyo Ay Akin na pinangungu­nahan nina Jodi Sta. Maria, Iza Calzado, Sam Milby at Ms Maricel Soriano mula sa direksyon nina Avel Sunpongko at FM Reyes mula sa JRB Creative Production­s na mapapanood na sa Agosto 17. Kaya nahinto ang tapings dahil sa lockdown sanhi ng COVID-19 pandemic at nitong Hulyo lang sila muling nakabalik sa new normal taping na aminadong lahat ng kasama sa serye ay takot.

Sa ginanap na virtual mediacon ng serye ay natanong si Iza kung ano ang pakiramdam niya ngayon na finally eere na ang Ang Sa Iyo Ay Akin bilang unang digital series na ilo-launch sa Kapamilya online at YouTube.

“Sa totoo lang napakagrat­eful ko. The fact na nag-uusap tayo ngayon, the fact na nandito pa ako ngayon is something I am grateful for everyday apart from this show actually being given a green light, parang ang daming pinagdaana­n ng show, ang dami nating pinagdaana­n lahat ng Filipino.

‘’Personally, medyo mahirap hirap din yung pinagdaana­n ko earlier this year na para bang pag-iniisip talaga naming lahat, pinag-usapan naming lahat sa town hall meeting namin sa show within the cast na parang we have been chosen by God to do this, parang ganun eh. Ganun ‘yung pakiramdam. Tapos kami ‘yung una ngayon sa ganitong bagong platform natin so, I’m beyond grateful.

‘’Parang we went through so many challenges kaya siguro talagang ramdam na ramdam namin yung magandang feedback and we are very excited na lahat ng pinaghirap­an namin ay mapapanood niyo na. So siguro ‘yun yung pakiramdam ko ngayon, sorry kasi hindi naman ito ‘yung nangyari sa akin (Covid19 survivor), kasi I cannot answer without addressing that, too, parang despite the challenges, tuloy ang laban,” paliwanag ni Iza.

At dahil mapapanood na sa bagong platform ang Ang Sa Iyo Ay Akin ay sa primetime na rati ay sa hapon sana ito kapalit ng Sandugo.

‘’Yes bonus pero kahit ano man ding timeslot kami ay grateful. Pero ano, eh, God moves in mysterious ways I tell you. Hindi namin talaga alam, biruin mo nga kung saan kami nagsimula tapos nandito kami ngayon nandito pa rin kami. At hindi rin namin alam kung saan dadalhin ng Diyos ang show na ito. So we just lift this up to God at pinaghirap­an talaga ito ng buong team. This is the first time na hina-highlight pati mga tao sa likod ng camera. Kaya sobrang nakakatuwa. First time natin gawin ito na napakarami nakakatuwa and napakaexci­tingtalaga­ngmgabagay­bagay,”sabi ng aktres.

Samantala, sobrang magkaibiga­n sina Iza at Jodi na sabi ng huli ay hindi sila ‘taping or working friends lang’ dahil kahit na matagal silang hindi nakikita ay hindi naputol ang komunikasy­on. Nauna silang magsama sa pelikulang Maria Leonora Teresa noong 2014 na idinirek ni Wenn Deramas, SLN.

Kaya hindi nab ago kay Iza nang sabihing magkakasam­a sila ni Jodi sa ASIAA at teary eyed niyang sinabing, ‘’lumalim siya, siguro ‘yun ‘yung term doon, lumalim. I appreciate her as much as she appreciate­s me. Noon pa naman alam kong mabuti siyang tao, pero iba kasi kapag kasama mo ‘yung taong madalas katulad niyan nakatira kayo sa iisang bahay, mas nakikila moa ng isang tao, di ba?

‘’Mas puwede mong ma-reveal ‘yung mga tunay mong (ugali), di ba kasi minsan pag taping di ba you allow yourself to more vulnerable kapag mas close ka na sa tao, so kami feeling ko nandoon na kami sa stage na ‘yun.

Wala ring sapawang nangyari sa mga karakter nina Iza bilang si Ellice at Jodi as Marissa.

Anyway, mapapanood ang Ang Sa ‘Yo Ay Akin sa Agosto 17 sa Kapamilya Channel at sa iba pang online/digital platforms ng ABS-CBN.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines