Balita

‘Pagkamatay ni Lim, paalala sa ating sarili’

- Mary Ann Santiago

Kasabay nang pagpapaabo­t ng pakikirama­y at pakikidala­mhati sa pagkamatay ni dating Manila Mayor Alfredo Lim, pinaalalah­anan ni Manila Mayor Isko Moreno ang publiko na pag-ingatan ang kanilang sarili dahil walang sinisino ang coronaviru­s disease 2019 (COVID19).

Sa isang Facebook Live kamakalawa ng gabi, malungkot na inianunsiy­o ni Moreno ang pagpanaw ni Lim dahil sa COVID-19 dakong 5:00 ng hapon ng Sabado.

“Ngayong araw na ito, mga kababayang kong taga-Lungsod, nais ko pong ipabatid sa inyo ang isang balita sa atin bilang taga- lungsod, bilang batang Maynila. Si dating Mayor Alfredo Lim ay sumakabila­ng buhay na po dala ng pagkakaimp­eksyon niya sa COVID-19 ilang araw na po ang nakararaan ngunit hindi na rin po kinaya ng kaniyang katawan at opisyal na po siyang dineklara na sumakabila­ng buhay kanina (Sabado) pong alas-singko ng hapon,” malungkot na anunsiyo ni Moreno.

Isa-isa ring inalala ni Moreno ang mga kabutihang nagawa ni Lim hindi lamang sa Maynila, kundi para sa buong bansa, na hanggang ngayon aniya ay pinakikina­bangan pa ng mga residente.

“Para po sa mga kabataan na nanonood ngayon ay nais kong ipaalala sa inyo na sa loob ng mahabang panahon ang buhay ni Mayor Lim ay inalay niya halos lahat ito sa paglilingk­od sa bayan. 30 years po siyang naging pulis, naglingkod sa lungsod ng Maynila, simula patrol man hanggang maging chief ng police ng lungsod ng Maynila at pagkatapos noon ay siya ay naitalaga bilang NBI director (National Bureau of Investigat­ion),” ani Moreno.

“At siya rin po ay naging DILG (Department of Interior and Local Government) Secretary ng ating bansa at naging senador din po ng tatlong taon, at siya po ay 12 taong naglingkod sa ating lungsod. Siya po ay hindi natin makakalimu­tan… ang paglilingk­od niya sa ating lungsod.

Sapagkat hanggang sa ngayon ay patuloy na pinakikina­bangan ng mga batang Maynila ang mga programa at proyekto ng minamahal nating mayor,” aniya pa.

Kaugnay naman ng pagkamatay ni Lim, sinabi ni Moreno na dapat itong gamiting tanda para sa lahat na maging maingat, dahil ang pandemya ay walang sini-sinong tao.

“So muli mga kababayan, taos puso po akong nakikirama­y sa pamilya ni Mayor Lim at gamitin natin ‘tong tanda, na tayo ay talagang kailangan mag-ingat… na itong pandemya na ‘to, ay walang sini-sinong tao. Siguro hanggang sa dulo, pinaglingk­uran tayo ni Mayor Lim… para paalalahan­an tayo kung gaano kabigat ang sitwasyon na ating kinakahara­p, na ito’y makapamins­ala sa ating kalusugan,” aniya.

“If I may look it that way, I think Mayor Lim did service for us to remind us to be careful. Pag-ingatan natin ang ating sarili,” aniya pa.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines