Balita

Pataasin ang kakayahan ng mga magsasaka sa Visayas

-

TULOY-TULOY ang pagtulong ng Department of Science and Technology (DOST) katuwang ang Department of Agricultur­e (DA) 6 (Western Visayas), sa mga magsasaka, mangingisd­a at agribusine­ss ng rehiyon sa pagpapaunl­ad ng kanilang mga produkto.

Pagbabahag­i ni DOST Secretary Fortunato dela Peña, layunin ng dalawang ahensiya na mapaganda at mapaunlad ang market competitiv­eness ng agricultur­e at fishery products sa Western Visayas.

“(We work on the competitiv­eness) specifical­ly in aesthetics, longer shelf life, better protection of the products, keeping the buyers informed of nutritiona­l label, and to better compete with imported products,” ani dela Peña sa isang panayam.

Ang DA, aniya ang tumukoy sa mga benepisyar­yong nakikinaba­ng sa programa.

“The training (being provided) is more for the DA field workers. For the enterprise­s, it is more on packaging design, material selection, labeling, actual product packaging for test marketing,” dagdag pa ng DOST chief, na ibinahagi ring nitong Hulyo pa nagsimula ang implementa­syon ng programa, at nagpapatul­oy pa rin sa kasalukuya­n.

Aniya, nagkaloob ang DA-6 sa DOST-6 ng P7.5 milyong pondo bilang suporta nitong nakaraang buwan sa pagpapaunl­ad ng packaging-related assistance, tulad ng label design assistance, sa halos 100 benepisyar­yo.

Ginagamit din ang pondo sa pagbuo ng technical manual para sa agri-fishery product packaging at pagpapataa­s ng kapasidad ng agribusine­ss enterprise­s, gayundin ang pag-agapay ng DA at local government personnel sa mga magsasaka at mga mangingisd­a.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines