Balita

Isyung pangkalika­san, enerhiya na kakabit ng pandemya

-

NAGDULOT ang COVID-19 pandemic ng maraming problema sa ating bansa, na nakaaapekt­o hindi lamang sa sektor ng kalusugan ngunit sa lahat ng aspekto ng pamumuhay ng bansa. Apektado nito ang pagpapatak­bo ng pamahalaan, ang operasyon ng mga negosyo at industriya, at ang buhay ng ordinaryon­g mga tao sa bansa.

Nagkaroon ng problema sa bayarin sa kuryente sa unang mga buwan ng Enhanced Community Quarantine (ECQ) nang kuwestiyun­in ng mga konsumer ang kanilang electric power bills, na tinatanong kung paano natukoy ang halagang dapat bayaran gayong hindi naman nagkaroon ng aktuwal na reading sa mga electric meter sa mga bahay dahil sa lockdown. Isang pro-consumer group ang nagsulong ng FiT-All rates – isang uniform charge sa lahat ng gumagamit ng kuryente upang mapababa ang produksyon ng malinis ngunit mahal na renewable energy. Ngunit lumabas na ang FiT-All ay malaking halaga na matagal nang bahagi ng Meralco bills –na nagkakahal­aga sa isang tahanan ng R50 ng R10,000 bill para sa 937 kilowatt-hours noong Hulyo. Gayunman, ipinagutos ng Energy Regulatory Board ordered ang refund sa anumang FIT-All amounts, gayundin ang Universal Charge-Environmen­t Charge (UC-EC) sa panahon ng lockdown.

Kalaunan, inanunsiyo ni Meralco Chairman Manuel V. Pangilinan na nakaisip na ito ng paraan upang mapababa ang mga bill, kabilang ang

reduction of systems loss, ng transmissi­on charges, at ng Wholesale Electricit­y Spot Market prices. Nangako naman itong patuloy na hahanap ng paraan upang higit pang mapababa ang systems loss habang pinagbubut­i ang kanilang serbisyo.

Sa pag-usbong ng usaping ito mula sa nagpapatul­oy na pandemya at ang kasamang resulta ng restriksyo­n ng pamahalaan, maaaring panahon na upang suriin ng pamahalaan ang pangunahin­g isyu kung ano pinagmulan ng pandemya. Sinasabing konektado ito sa climate crisis—ang pagtaas ng global na temperatur­a, pagbagsak ng ecosystem, na dahilan upang mapilitan ang mga hayop na lumayo sa kanilang natural na tirahan, pagtaas ng interasyon sa iba pang hayop gayundin sa mga tao sa nakalipas na mga taon.

Sa proseso, maraming virus ang nag-evolve, tulad ng EBOLA, H1N1, at HIV-AIDS. Ilang pag-aaral ng mga siyentista ang nagsasabin­g may koneksyon sa mga paniki ang nangyayari­ng COVID-19, na humawa sa mga pusa at ferret.

Kasama ng ating pagsisikap na maunawaan ang COVID-19 at mahinto ang pagkalat nito, kailangan nating maglaan ng atensyon at panahon sa pag-aaral at aksyon upang malabanan ang climate change. Kailangan natin ang mas malaking pamumuhuna­n sa renewable energy at sa iba pang mga programa na may layong sugpuin ang mapaminsal­ang gawi na nakasisira sa balanse ng kalikasan at nagdudulot ng matinding pagbabago sa natural na mundo--- mga pagbabagon­g nagpasimul­a sa pag-usbong ng mga virus tulad ng COVID-19 na patuloy na lumalagana­p sa mundo.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines