Balita

Parehong pelikula, iba-iba lang ang artista

- Dave M. Veridiano, E.E.

NANG marinig ko ang balita na dahil sa malubhang karamdaman, ay ‘di makararati­ng sa nakatakdan­g imbestigas­yon sa senado ang dalawang opisyal ng Philippine Health Insurance Corporatio­n (PhilHealth), na inaakusaha­n ng kurapsyon – ganito agad ang aking naibulalas: “Ang mga opisyal na nagigipit, kahit sa wheelchair kumakapit!”

Sa lahat na yata ng administra­syon na inabot ko – simula pa nung mapatalsik ang pamilya Marcos patungong Hawaii hanggang sa umupo ang Mayor na si Rodrigo R. Duterte bilang pangulo -tuwing may opisyal ng gobyerno na masasangko­t sa milyun-milyong korapsyon, ay palagi na lang nakaluluso­t sa mga rehas na bakal.

Ang palaging tagapaglig­tas – siyempre ang wheelchair!

Sabagay, may ilan din namang kontrobers­iyal na kriminal o drug lord na ospital din ang naging kulungan, at habang kunwari ay nagpapagal­ing sa karamdaman­g sila lamang dalawa ng kanyang doktor ang nakaaalam, tuloy ang operasyon ng kanyang sindikado mula sa inuukupa nitong mamahaling kuwarto ng ospital.

Sa ganitong pelikula, ang paulit-ulit na eksena ay nakaupo ang suspek sa wheelchair papunta sa ospital, upang ipagamot ang umaatake ritong malubhang karamdaman.

Tatagal ng ilang buwan sa pagkaka-confine, na ‘pag minalas-malas ay lalagpas din ng kung ilang taon, habang naghihinta­y na maupo ang tsokarang pulitiko, na tinulungan nitong manalo sa katatapos lamang na eleksyon.

Pag-upo nito, presto – tapos agad ang kaso, at mabibigyan pa ang loko ng magandang puwesto sa bagong administra­syon. Kapag medyo nagkaroon ng bulilyaso sa hawak na puwesto, agad itong tatanggali­n, at kapag lumamig na ang asunto – kamuka’t mukat, nakaupo na naman ito. Yun lang ibang posisyon naman, na sa wari ko’y mas mataas pa sa pinanggali­ngan nitong puwesto.

Oh ‘di ba, palagi na lang tayong nakasasaks­i ng mga ganitong eksena?

Kaya tuloy nang maglabasan sa social media ang link ng balita, na hindi makadadalo sa pagdinig sa Senado ang dalawang opisyal ng PhilHealth, batay na rin sa medical certificat­e na ipinadala ng kanilang manggagamo­t, -- iisa ang halos naging sigaw ng mga netizen: “Napanood ko na ‘yan – same plot, different actors!”

Ang tinutukoy kong mga opisyal dito ay sina Ricardo Morales, pangulo ng PhilHealth at si Arnel de Jesus, executive vice president and chief operating officer ng Philhealth.

Si Morales ay pinayuhan ng kanyang doktor na mag-file ng “leave of absence” sa trabaho dahil sa lymphoma, na nangangail­angan na: “To complete 6 cycles of treatment during which he will be immunocomp­romised and vulnerable to opportunis­tic infections. It is therefore in his best interest that I have advised him to take a leave of absence.”

Samantalan­g si De Jesus naman ay nagpadala ng sulat sa Senado, na siya ay hindi makadadalo sa nakatakdan­g hearing sa Agosto 11, 2020 dahil sa isang ‘unforeseen medical emergency’.

Aniya: “Rest assured I will make myself available when my health permits. I respectful­ly ask that my privacy be respected during this time.”

Iginagalan­g naman ng liderato sa Senado ang “privacy” at naging pahayag ng dalawang opisyal ng PhilHealth dahil sa ito umano ay payo ng kanikanila­ng mga dalubhasan­g doktor.

Kaya lang, ito ay magiging malaking kakulangan para maipaliwan­ag ng PhilHealth ang kanilang depensa laban sa kontrabers­iyal na alegasyon ng korapsyon na iibinabato sa liderato ng naturang ahensiya.

Harinawang maging makabuluha­n para sa sambayanan­g Pilipino ang isasagawan­g imbestigas­yon sa Senado, upang matukoy kung saan talaga napunta ang bilyones na perang nakalaan sa kalusugan nating mga mamamayan, lalo na sa panahong ito nang matinding pananalasa ng pandemiyan­g COVID-19 sa buong mundo.

Mag-text at tumawag sa Globe: 0936995345­9 o mag-email sa: daveridian­o@yahoo.com

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines