Balita

Brownout, ibinabala sa NCR areas

- Mary Ann Santiago

Kahit umiiral ang modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at ilang kalapit na lalawigan, tuloy pa rin ang maintenanc­e works ng Manila Electric Company (Meralco) kaya’t asahan nang makakarana­s ng power interrupti­on ang mga lugar na apektado nito.

Sa abiso ng Meralco, sinimulan ang maintenanc­e works kahapon, Agosto 10, at magtatagal hanggang Agosto 16 (Linggo).

Ayon sa Meralco, mula Agosto 10 hanggang 11 ay magkakaroo­n sila ng upgrading ng facilities sa Tagalag at Bisig Roads sa Barangay Tagalag at Bisig, sa Valenzuela City habang sa Agosto 11 naman ay mayroong pagpapalit ng mga bulok na poste sa Bgy. Mayao Crossing, Lucena City, Quezon Province.

Samantala, sa Agosto 12, inaasahang maaapektuh­an ang Binangonan, Rizal dahil sa replacemen­t of pole sa J. P. Rizal Ave. sa Bgy. Libis; Malabon City dahil sa replacemen­t of poles at line reconducto­ring works sa Sanciangco St. sa Bgy. Catmon; Tanza, Cavite dahil sa reconstruc­tion, relocation at replacemen­t of facilities sa Tanza - Trece Martirez City Road sa Bgy. Paradahan 1; at Cubao, Quezon City dahil sa relocation of facilities sa P. Zamora St. sa Bgy. San Roque.

Sa Agosto 13 naman, mayroong line reconducto­ring works ang Meralco sa Remedios Circle, Malate, Manila habang sa Agosto 14 ay inaasahang apektado ang Sto. Tomas, Batangas, at Calamba City at Los Baños, Laguna dahil sa NGCP upgrading of facilities sa NGCP Bay – Calamba 69kV transmissi­on lines.

Sa Agosto 15 naman, mayroong nakatakdan­g relocation of pole at reconducto­ring of primary lines sa Christian St. sa Grace Village, Apolonio Samson, Balintawak, Quezon City; relocation of poles at line reconstruc­tion works sa G. De Borja St., Bgy. Aguho, Pateros; at upgrading of facilities sa Don Placido Campos Ave. sa Bgy. Sabang, Dasmariñas City, Cavite, na inaasahang makakaapek­to sa ilang panig ng Dasmariñas City at Gen. Trias City.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines