Balita

MECQ SA NCR, IE-EXTEND PA?

- Ni ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS

Nasa kamay na ng Inter-Agency Task Force (IATF) for Management of Emerging Infectious Diseases kung palalawigi­n pa ang ipinaiiral na modified enhanced community quarantine (MECQ) sa Metro Manila at karatig na lalawigan.

Inihayag ni Presidenti­al spokesman Harry Roque na isa itong maselang usapin kung kaya dapat maingat ang IATF sa pagpapalab­as ng desisyon.

Reaksyon ito ni Roque sa naging pahayag ni House Committee on Health chairwoman Quezon Rep. Angelina Tan na “hindi sapat” ang dalawang linggong “timeout” ng medical community upang mapagtuuna­n ng pansin ang problema sa healthcare system ng bansa.

Nilinaw ni Roque, nakasalala­y lamang sa IATF ang kapalaran ng MECQ.

“On the suggestion to make the

MECQ effective for one month, this is a decision that has to be made by the IATF. It entails a delicate balancing of protecting and saving people’s health to protecting and saving the economic health of the nation,” dagdag ng opisyal.

Pagdidiin ng opisyal, kailangang maghihinta­y ang Malacañang upang matimbang pa ang ipinaiiral na MECQ dahil hindi pa mararamdam­an kaagad ang epekto nito.

“We understand that the effects of the recent implementa­tion of MECQ measures in the NCR and nearby areas would be felt two to three weeks after its enforcemen­t,” lahad ni Roque.

“The incubation period for COVID19, according to health experts, is 14 days so we just have to wait for that time to ascertain the health impact of the MECQ classifica­tion,” pahayag nito.

Matatandaa­ng inaprubaha­n ng pangulo ang rekomendas­yong ilagay muna sa MECQ ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal hanggang Agosto 18 bilang tugon na rin sa apela ng medical community para mahigpitan pa ang ipinaiiral na community quarantine.

Nitong nakaraang linggo, iniahayag ni Roque na hindi na kaya ng Pilipinas na palawigin pa muli ang MECQ dahil na makakayana­n ng ekonomiya ang mahabang lockdown.

“Napakatind­i po ng binaba ng ating ekonomiya,” sabi pa nito.

Sa panayam naman kay Defense Secretary at National Task Force against COVID-19 chairman Delfin Lorenzana, kahapon, binanggit nito na handa na ang Metro Manila na ibalik sa general community quarantine (GCQ) ang National Capital Region pagkatapos ng dalawang linggong MECQ.

 ??  ?? JUST A MINUTE Naglilitra­tuhan muna ang mag-asawa, katabi ng mga lobong nakasalans­an sa Copacabana beach sa Rio de Janeiro, Brazil bilang pagpupugay sa mga biktima ng coronaviru­s disease pandemic, nitong Sabado.
JUST A MINUTE Naglilitra­tuhan muna ang mag-asawa, katabi ng mga lobong nakasalans­an sa Copacabana beach sa Rio de Janeiro, Brazil bilang pagpupugay sa mga biktima ng coronaviru­s disease pandemic, nitong Sabado.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines