Balita

Paglipat nina Vice Ganda at Coco, imposible pa

- Ni REGGEE BONOAN Coco Vice

“WALANG nakarating sa akin na ganu’n (offer kina Vice Ganda at

Coco Martin sa TV5),” ito ang sagot sa amin ni Direk Perci M. Intalan na ka-chat namin habang sinusulat namin ang balitang ito.

Ito pa rin kasi ang mainit na pinag-uusapan ngayon na totoong ini-offer sa TV5 ang serbisyo nina Vice Ganda at Coco Martin pero dahil malaki ang hinihingin­g talent fee ay tumanggi ang pamunuan ng Kapatid Network.

Bagama’t nasulat na ito ng ilang beses ay hindi totoong may offer o nagapply ang kampo ni Coco sa TV5 dahil nga may existing show siya sa ABSCBN bukod pa sa pagiging money maker nito.

Ito rin naman ang sinabi ni Perci na hindi sila nag-offer for delicadeza kasi nga may show.

Nabanggit din ni PMI na hindi sila nag-offer kay Vice kasi alam niyang may show sa ABS-CBN (It’s Showtime) at nagtayo pa ng sarili nitong digital network.

Kaya naman ipinagdiin­an ni Vice sa kanyang social media account na hindi siya nag-apply sa TV5 at hindi rin totoo ang P3M ang hinihingi niya.

Sitsit naman sa amin ay baka walang alam si Vice dahil ang big boss daw ng Viva na si Mr. Vic del Rosario ang nakipagusa­p sa TV5 managemrnt.

But since pumutok na ang isyung tinanggiha­n, sure kami na kung anuman ang kinalabasa­n ng meeting na ito ay hindi ito alam ni Vice.

Hmm, hindi kaya ginagamit ng TV5 sina Vice at Coco para pag-usapan ang nalalapit na launching para sa pagbabalik ng entertainm­ent shows nila?

Samantala, klinaro ni Perci na hindi natuloy ang pagpapalit ng pangalan ng Kapatid network sa One TV, mananatili itong TV5 pa rin at higit sa lahat, consultant daw ang posisyon niya sa nasabing network at hindi head.

 ??  ??
 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines