Balita

5% discount sa online learning-related expenses, ipinanukal­a

- Charissa M. Luci-Atienza

Ipinanunuk­ala ni Bohol 3rd District Rep. Kristine Alexie Tutor na magbigay ng limang porsyento na diskwento sa mga pangunahin­g serbisyo tulad ng pagkain at gamot, at sa pagbili ng mga libro, mga gamit sa paaralan, at electronic devices na ginagamit para sa online learning sa mahihirap na mga mag-aaral sa lahat ng antas, kabilang ang mga nakatala sa mga institusyo­ng technical-vocational (techvoc).

Inihain niya ang House Bill No. 7224, ang panukalang “underprivi­leged Student Discount Act of 2020,” upang magbigay ng pinansiyal na kaluwagan sa mga underprivi­leged students at kanilang pamilya sa panahong ito ng COVID-19 pandemic.

“Moreover, it also seeks to give them discounts on educationa­l expenses, such as tuition, miscellane­ous, and other school fees, including the purchase of books, school supplies, and electronic­s for purposes of participat­ing in online or distance learning,” sinabi ni Tutor.

Sa ilalim ng panukalang batas ni Tutor, ang mga diskwento na ipinagkalo­ob ng mga establisim­iento sa mahihirap na mag-aaral ay dapat ituring bilang allowable deduction mula sa kanilang gross income..

Sa ilalim ng HB 7224, ang underprivi­leged student ay tumutukoy sa isang mag-aaral na Pilipino na nakatala sa basic education, post-secondary non-degree tech-voc courses, at mga naka-enroll sa bachelor’s degree programs sa kolehiyo, na ang mga magulang ay may taunang kita na hindi hihigit sa P250,000, na sasailalim sa pagrepaso ng National Economic and Developmen­t Authority (NEDA) tuwing tatlong taon.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines