Balita

‘Pinas masisiguro ang COVID-19 vaccine mula Russia, US

- Leonel M. Abasola

Nilinaw ni Senador Christophe­r “Bong”Go na hindi lamang sa China umaasa ang pamahalaan sa pagsugpo sa coronaviru­s, kundi maging sa Russia, United States at iba pang bansa.

Inilahad niya na nag-abiso ang Russia, sa pamamagita­n ni Ambassador of the Russian Federation to the Philippine­s Igor Khovaev, na malapit nang makumpleto ng Russia ang pagbuo ng bakuna at kasama ang Pilipinas sa mabibigyan at katunayan kinukonsid­era nila na dito magsagawa ng clinical testing.

“Nagpahiwat­ig ang Russian government, through Ambassador Igor Khovaev, na natapos na nila ang clinical trials, ang phase 3, para sa vaccine against COVID19. Kasalukuya­ng inaayos na lang ang mga government registrati­on papers nito, Tatlong bagay ang nasa offer ni Ambassador Khovaev. Una, na dito rin sa Pilipinas magconduct ng clinical trials. Magsu-supply din sila sa atin ng bakunang ito kontra COVID19. At, pangatlo, plano nilang mag-set up ng local manufactur­ing dito mismo sa bansa natin,” paliwanag ni Go, chairman ng Senate commitee on health.

Ang tinutukoy na bakuna ay ang “Avigav ir” na dinebelop ng National Research Center of Epidemiolo­gy and Microbiolo­gy sa ilalim ng pangalang N.F. Gamaleya ng Russian Ministry of Health. Ito rin ang nakagawa ng bakuna laban sa Ebola virus, sa at Middle East Respirator­y Syndrome (MERS) virus na sinuportah­an ng Russian Direct Investment Fund (RDIF). Ang RDIF ang nakipag-ugnayan sa Pilipinas para sa paggawa at pamamahagi ng bakuna ng COVID-19.

“Dahil sa maayos na independen­t foreign policy of ‘being an enemy to none and a friend to all’ ni Pangulong Duterte, nasisiguro ng pamahalaan natin na meron tayong access sa developmen­t at, eventually, mga supply ng bakuna kontra COVID-19 mula sa mga bansa na itinuturin­g nating mga developmen­t partners,” dagdag ni Go.

Samantala, binanggit ni Go na kinumpirma ni Philippine Ambassador to the United States, Jose Manuel Romualdez, na hinihikaya­t ni US Secretary of State Mike Pompeo ang dalawang vaccine manufactur­ers na makipagpul­ong kay Romualdez ngayong linggo.

Ang Novavax, na gawang US, ang isa sa mga pinag-uusapang bakuna.

May anim na bakuna na ang nakapasok sa Phase 3 trials, ayon kay Michael Ryan, executive director ng oWorld Health Organizati­on – Health Emergencie­s Program.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines