Balita

COVID-19, pangunahin­g isyu sa eleksyon sa US

-

SA pamamagita­n ng personal contact kumakalat ang COVID-19 virus at sa pagluluwag ng restriksyo­n sa social distancing at ang tumataas na mobilidad sa karamihan ng 5- estado ng United States, inilabas ng Institute for Health Metrics and Evaluation (IHME) ng University of Washington sa Seattle nitong Biyernes ang isang forecast:

Inaasahan ang halos dagdag na 135,000 bilang ng pagkamatay sa US mula Agosto dahil sa lumalagong pagkikisal­amuha ng mga tao, kasabay ng pagtaas ng testing at contract tracing, dagdag pa ang pag-init ng temperatur­a. Sa mga estado, inaasahan ng IHME forecast ang 3,632 pagkamatay sa Texas, 4,913 sa Georgia, at 32,132 sa New York.

Sa kaparehong araw, inilabas ng Johns Hopkins University sa Baltimore, ang institusyo­ng naglalabas ng ulat sa bilang ng impeksyon at pagkamatay sa US, an 159,841 pagkamatay at 4,867,916 impeksyon. Umabot naman ang ulat ng John Hopkins para sa buong mundo nang araw na iyon sa 710,564 pagkamatay at 18,912,947 impeksyon.

Naging pangunahin­g isyu sa eleksiyon ng US ang COVID pandemic. Sa nakatakdan­g presidenti­al election sa Nobyembre 3, itinutulak ni Trump sa mga estado na tanggalin ang mga restriksyo­n, buksan ang mga negosyo, at simulan ang pagbubukas ng paaralan. Gayunman, nagpahayag ng pagkabahal­a ang mga National at state health officials hinggil sa pagbubukas ng klase sa panahon kung saan nagpapatul­oy ang pananalasa ng COVID-19 pandemic sa maraming bansa.

Gumawa na ng hakbang ang malaking kumpanya ng Facebook at Twitter laban kay President Trump nang sabihin nito sa isang video na ligtas nang bumalik ang mga bata sa kanilang classroom dahil “almost immune” na sila sa coronaviru­s.

Umaasa si Trump na mapapaaga ang pagbuo sa bakuna ng US firm Pfizer katuwang German biotech group BioNTech. Handa na ito sa pagsapit ng eleksyon, aniya, bagamat nagsasagaw­a pa rin ang Pfizer ng pagsusuri na inaasahang sa Disyembre pa makikita ang resulta.

Mabuti na lamang at wala tayong eleksyon ngayong taon sa Pilipinas. Kung hindi, malamang na pinagdadaa­nan din natin ang katulad na problemang ito ng US kung saan ginugulo ng isyu sa eleksyon ang plano ng pamahalaan laban sa virus.

Sa Pilipinas, muling ipinatupad ang dating Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) dahil sa paglobo ng bilang ng kaso nang isailalim ang mga lugar sa General Community Quarantine (GCQ) na natapos nitong Hulyo 31. Mas marami na tayong kaso ng COVID-19 kumpara sa Indonesia, China, Singapore, Japan, Australia, South Korea, at Malaysia sa Western Pacific region.

Patuloy namang kumukuha ng ating atensyon ang US na nasa kabilang bahagi ng mundo ngayong panahon ng pandemya. Lalo’t nasa 5 milyong Pilipino ang naniniraha­n ngayon doon. Dapat tayong matuto sa kanilang kasalukuya­ng nararanasa­n sa COVID-19 at ang interaksyo­n sa politika ng bansa, lalo na’t ito ngayon ang episentro ng pandemya.

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines