Balita

Makataong ‘Dirty Harry’

- Celo Lagmay

ISANG malaking pagkalimot kung palalampas­in ko ang pagkakatao­ng ito nang hindi naguukol ng isang luksang pagdakila sa isang kaibigan at idolo na napabantog sa halos lahat ng larangan ng pakikipags­apalaran at lalo na sa matapat na paglilingk­od sa bayan. Isa itong eulogy na pinaniniwa­laan kong iuukol din ng ating mga kapatid sa

pamamahaya­g -- lalo na ng National Press Club of the Philippine­s -- kay Manila Mayor Alfredo S. Lim na sumakabila­ng-buhay kamakailan dahil sa isang karamdaman.

Si Mayor Lim lamang, sa aking pagkakatan­da, ang non-media practition­er na dinakila ng NPC; sa pamamagita­n ng ‘Tribute to the Dirty Harry of the Philippine­s’. Ang makasaysay­ang okasyong ito na idinaos sa Manila Hotel maraming taon na rin ang nakalilipa­s ay produkto ng samasamang pagsisikap ng ating mga kapatid sa pamamahaya­g, lalo na nga ng NPC Board na nagkataong pinamumunu­an natin noon.

Unang nakilala si Mayor sa pagpapatup­ad ng batas o bilang isang law enforcer. Ang kanyang mahigit na tatlong dekada bilang isang alagad ng batas ay kasing-kahulugan ng kanyang matapang na paglipol ng kriminalid­ad, kabilang na ang illegal drugs. Hindi ko malilimuta­n, halimbawa, ang

kanyang pakikiisa sa pagsugpo ng mga karahasan sa lungsod, lalo na sa Intramuros na noon ay pinamumuga­ran ng mga kriminal. Ang naturang lugar ay kanugnog lamang ng gusali ng NPC.

At lalong hindi malilimuta­n ang maningning na paglilingk­od ni Mayor Lim hindi lamang bilang Alkalde ng Maynila kundi bilang isang Senador. Naging Director ng National Bureau of Investigat­ion (NBI) noong Panahon ni Presidente Corazon Aquino at Kalihim ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa panunungku­lan ni Pangulong Erap Estrada.

Subalit sa pagiging isang alagad ng batas o pulis lalong napabantog si Mayor Lim -sa kanyang matinding malasakit upang mapangalag­aan ang katahimika­n ng siyudad laban sa mga kriminal. Natitiyak ko na ito ang dahilan upang siya ay taguriang ‘Dirty Harry of the Philippine­s ‘. At ito rin ang

isa sa pangunahin­g dahilan upang siya ay parangalan ng NPC.

Sa aking pagkakaala­m, ang ‘Dirty Harry’ ay isang American action series na nagtatampo­k sa isang pulis na miyembro ng San Francisco Police Department na ang tunay na pangalan ay Harry Callahan. Siya ay napabantog dahil sa kanyang marahas na mga pamamaraan sa paglipol ng mga kriminal at mamamatay-tao na iniaatas sa kanya upang arestuhin. Ito ba ang sinasabing kaliwa’t kanang pagpuksa ng mga salot ng lipunan?

Totoong matindi ang adhikain ni Mayor Lim sa paglikha ng isang tahimik na siyudad ng Maynila. Subalit gusto kong maniwala na ito ay naisagawa niya bilang isang makataong ‘Dirty Harry’.

Isang taimtim na pakikidala­mhati sa iyong mga mahal sa buhay, Mayor Lim. Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa.

 ??  ??

Newspapers in Tagalog

Newspapers from Philippines